Last 8 months nag graduate na si Kuya, pumunta naman ako kaya lang hindi ako nagpakita. Sobrang proud ko sa Kuya ko. Siya ang naging valedictorian sa batch nila, kahit kasi mukha siyang loko-loko ay seryoso pa rin siya sa pag aaral niya, mas lalo pa yatang nagseryoso noong naghiwalay kami, kaya okay na rin ako kahit sa gano'n humantong ang sitwasyon namin.
4th year na ako ngayon, patapos na ang first sem, sobrang bilis ng panahon dahil sa pag-aaral ko nalang binuhos ang oras ko, yo'n lang din naman kasi ang pagkakaabalahan ko. Halos isang taon na kaming hindi nagkikita ni Kuya, sina Mama sa U.S na tumira simula no'ng mag graduate si Kuya, alam nilang pumunta ako noon pero sinabi nilang wag na muna daw akong magpakita.
Si Kuya Damian na ang humahawak sa company ni Papa, tumatanda na rin daw siya at gusto ng magpahinga. Habang hawak-hawak niya ang company ni Papa ay gumagawa rin ng sariling ingay ang pangalan niya, gano'n siya kasipag magpalawak ng connection.
Kaya nga halos wala ring effect ang pagm-move on na gawin ko dahil sa laman siya ng balita. Walong buwan palang simula no'ng nag graduate siya pero ganito na kaingay ang pangalan niya.
Noong nakalipas na buwan kahit na anong gawin kong pagm-move on ay ganon pa rin ang nararamdaman ko. Ayaw pa rin bumitaw ng puso ko. Ayaw pa rin iwan yung nakaraan. Ang hirap kalimutan. Every time I'm trying to forget our memories behind, it always know how to come back. It haunted me. It's chasing me, I can't escape. I am trap.
No matter how hard I try, babalik at babalik pa rin ako kung saan ako naiwan, iniwan at nagpaiwan. Gano'n lagi ang takbo ng buhay ko, I am stuck where my brother left me. I don't think makakausad pa ako.
Nang sumubok ulit akong makipag date, e hindi rin ako tumagal, ang bigat kasi sa pakiramdam, I feel like I'm cheating, kahit wala naman na kaming relasyon. Sobra-sobrang pagtitiis ang ginawa ko, wag ko lang takbohin ang pagitan namin ni Kuya. Gano'n na ako kabaliw sa kaniya, halos isang taon ko na tiniis ang gano'n, isang taon akong naghintay na balikan niya ako, isang taon akong umasa, isang taon akong umiyak, isang taon din niya akong tiniis.
Hindi ko alam na kaya niya akong tiisin ng gano'n katagal. Ewan ko, ako nalang yata ang kumakapit, ako nalang yata yung umaasa. Parang nakausad na rin naman na siya, nakamove on nga yata siya, nalimutan na niya yata ako, pero bakit ako?
Bakit ako hindi pa rin makausad? Bakit hindi pa rin ako maka-alis? Bakit hindi pa rin ako makamove on? Bakit ang hirap para sa'kin na kalimutan siya? Bakit na kaya niya akong tiisin? Bakit ang tagal niya? Maghihintay pa ba ako? Kaya ko pa bang maghintay? Kung kaya ko, hanggang kailan? Hanggang kailan ako maghihintay? Hanggang kailan ko kakayanin?
Ang daming nabubuong tanong sa utak ko na, hindi ko alam kung masasagot pa ba. Gano'n naman lagi, kaya sa pag aaral ko nalang talaga binuhos ang oras ko. Mas mabuti na 'to, kesa naman iyakan ko siya at mapabayaan ang pag-aaral ko.
Limang buwan na pagtitiis nalang at bagong paghihirap na naman ang haharapin ko. Bagong pagsubok na naman ang sasalubong sa'kin. Gano'n naman talaga, tapos na ang mga masasayang taon ko, pagkayod at paghihirap naman ang susunod. Sa huli ka lang yata sasaya, kung kailan hindi mo na kaya.
“Satingin mo pwede na 'to?” mahinang tanong ni Eva, pinapakita ang natapos naming output.
“Oo, pwede na 'to.” sagot naman ni Kyle habang nakangiting nakatingin kay Eva. “Ang ganda.”
Kasama ko ngayon si Kyle at Eva na gumagawa ng final output namin, apat sana kami kaso kami sinipot ni Dynice, nagtext naman siya na hindi siya makakapunta dahil may emergency daw, kaya hinayaan nalang namin.
Napangiti ako dahil kita ko ang masamang tingin na pinukol sa kaniya ni Eva, wala itong sinabi pero inirapan niya si Kyle. Napasimangot ako ng bigla siyang lumingkis kay Eva, naglalambing.
“Wag ka ngang masyadong dumikit Kyle.” nakasimangot na suway sa kaniya ni Eva.
“Hindi mo na ako m-mahal, Eva?” napangiwi ako dahil nautal pa si Kyle, para pa itong naiiyak, namula kasi ang mata niya at nagsimula rin itong magkaroon ng luha sa gilid.
“Tigilan mo nga ako.” pagsusungit sa kaniya ni Eva.
“Anong kalandian yan?” nakasimangot na tanong ko, nakaturo pa ng bahagya sa kanila. “Nasa'n na ang angas mo Kyle?” dagdag pa ko.
“Wala, binulsa ko muna.” sagot niya saka lalong dumikit kay Eva, hinalikan pa niya sa pisngi. “Saka hindi landi ang tawag dito.”
“E, anong tawag mo diyan?” pasinghal kong tanong sa kaniya, masama na talaga ang tingin dahil sa kalandian niya. Kita ko ang pagpunis pa ni Eva sa pisngi na hinalikan ni Kyle.
“Lambing ang tawag dito.” nakangiting sabi niya at niyakap ang bewang ni Eva. “Nanghihina ako pag hindi ako nilambing ni Eva.”
Mas lalo akong nakasimangot dahil sa sinabi niya. Sobrang panget ko na siguro sa harap nila, dahil kanina ko pa sila sinisimangutan.
“Kadiri ka.”
Dahil badtrip na ako sa kaniya ay tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko.
“Una na ako, tapos na rin naman na tayo, diba?” naninigurong tanong ko, ayaw ko naman na maalis sa grupo namin.
“Oo, ipapasa natin 'to kay Ma'am sa Monday.” si Eva ang sumagot dahil lumilingkis na naman si Kyle kay Eva. “Kyle, naiirita na'ko.” suway niya saka bahagyang pinalo ang binti ni Kyle.
“Sige na.” paalam ko sa kanila, tinanguan naman nila ako kaya agad na rin akong umalis doon.
Sa simpling paglalambing ni Kyle ay naaalala ko na naman siya. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko ng maramdaman ko ang bahagyang panginginig no'n dahil sa pagpipigil kong maluha. Hanggang kailan ba ako iiyak? Hanggang kailan ba ako magtitiis? Kailan pa ba ako uusad? Pagod na'ko. Pagod na pagod na akong maghintay. Pagod na kong umasa.
Isusuko ko na ba? Tama na ba? Ititigil ko na? Wala rin naman kasing kasiguraduhan kung babalik siya. Baka huli na ang lahat. Baka pagbumalik siya, wala na siyang babalikan.
YOU ARE READING
Behind the Sin
RomanceWarning: 🔞 (This story is not suitable for young readers.) A son and a daughter doing something behind their parents back. A nasty things that only a lover are allow to do. That thing is only stranger are allow to do and not siblings. How would th...