Zayn
Papunta na kami sa dressing room nang magring yung phone ko.
"Excuse me." Sabi ko sa mga kasama ko at sinagot yung tawag ni Heather. Nagtaka naman ako nang hindi sya nagsasalita sa kabilang linya kaya hindi ko pinatay iyon. Kakaiba naman ang pakiramdam ko kaya binilisan ko ang paglalakad.
"Hey Zayn, wait for us!" Tawag sakin ni Liam pero hindi ko sya pinansin at tumakbo na ako papunta sa elevator. Pinindot-pindot ko iyon pero ayaw pang magbukas niyon kaya no choice ako kundi gumamit ng hagdan.
"What's going on, Zayn?" Naguguluhang tanong ulit ni Liam.
"Call the cops, now!" Bilin ko sa kanila bago tinakbo yung hagdan. 2nd floor lang naman iyong dressing room namin kaya mabilis ko lang iyon maaakyat.
"Momhee, what's going on there?" Kausap ko pa rin kahit hindi naman sumasagot si Heather kaya mas binilisan ko pa yung pag-akyat.
"Javadd, help!" Mahinang sabi ni Heather sa kabilang linya.
"Sh*t!" Napamura ako. Sabi na nga ba at may maling nangyayari.
"Heather!" Sigaw ko habang tumatakbo. Wala na akong pakialam kung may mabangga man ako.
"Heather!" Tawag ko sa kanya habang kinakatok-katok yung nakalock na pinto pero walang sumasagot kaya sinipa ko iyon ng malakas.
"F*ck!" Mura ko nang makita kong duguan si Heather at wala nang malay. Nakita ko si Lizel sa gilid na tulala at takot na takot.
"I-is s-she dead?" Tanong nya sabay tawa ng kakaiba.
"What did you do to her?" Nilapitan ko si Lizel at inalog-alog pero tawa lang ito ng tawa na parang baliw.
"F*ck you!" Sigaw ko sa kanya bago ko sya binitawan.
"Somebody help! Call an ambulance, please!" Malakas kong sigaw bago dinaluhan si Heather.
"Momhee, please don't leave me." Mangiyak-ngiyak kong sabi habang inihihiga sya sa mga hita ko.
"Aaayyy!!!" Tili ni Adelle nang makita nya si Heather.
"Heather!" Sabi rin nila Harry at lumuhod para tignan si Heather.
"Hayop kang babae ka!" Sinugod ni Adelle si Lizel pero wala pa rin itong reaksyon.
"Makukulong ka ngayon, tarantado ka!" Gigil na wika naman ni Louis.
"Call an ambulance! Please, hurry up!" Sigaw ko ulit. Nanginginig na ang buong katawan ko sa takot dahil wala nang kulay ang mga labi ni Heather.
"Chill Zayn, magiging okay din si Heather." Pagpapakalma sakin ni Harry.
"Chill? Ganto nangyari sa asawa ko sa tingin mo kakalma pa ba ako?"
"Easy bro." Tinapik-tapik pa ni Liam yung balikat ko.
"I'm sorry." Hinging paumanhin ko kay Harry.
"It's okay bro, I understand." Tinapik pa ako ni Harry sa balikat.
"Excuse muna, Zayn." Sabi ni Niall, kasama nya na yung mga medic kaya umatras ako ng bahagya. Wala na akong nagawa pa nang kuhain nila si Heather.
Sumama din naman ako sa kanila at sumakay sa ambulance na pinaglagyan nila kay Heather.
"Momhee, please wake up." Bulong ko sa kanya habang hawak ko ang kamay nya.
Naalala ko yung panaginip ko dati kaya lalo akong napraning.
"No, no, no! Please Lord, wag mong kunin sakin ang asawa ko." Para na akong mababaliw sa mga nangyayari.

BINABASA MO ANG
I'm In Love With A Monster II [Zayn Malik Fanfiction Story]
Fanfiction"I'm Zayn Malik. I have a picture of a woman that I've never met before. You know what's funny? I started to have feelings for her."