LAY's POVNakakasawa na yung mga pabalik-balik na tanong nila Suho hyung. Hindi na nga ako sumama sa kanila dahil uuwi ako ng maaga. Pagdating ko sa bahay naka off ang lights, kaya pala hindi pa pala nakauwi ang babaeng yun. Saan na naman kaya siya nagpupunta.
Nagugutom na ako, wala naman akong ibang magawa kundi ang magbabasa ng mga notes ko. Obviously hinihintay ko si Hyuna na dumating. Tiningnan ko ang watch ko and around 6:11 P.M na ang tagal talaga niyang dumating, kababaeng tao. Biglang bumukas yung pinto at alam ko kung sino yun.
"Sorry late ako, nag-antay ka?" Hyuna.
"Why should I?" Bumalik ako sa pagbabasa ko ng notes.
"Grabe eh sa nag-antay ka, halata!" Pinagsasabi nito, assumera talaga.
"Hindi ah!" Sabi ko sa kanya na nakatingin parin sa notes ko.
"Halata kaya, denial nito!" Nilagay niya 'yung bag niya sa tabi ko.
"Timang ka?" Nag smirk ako, daldal nito.
"Halata oi, baliktad kaya notes mo kaya alam ko, 'to talaga?" Tinawanan niya ako sabay upo sa tabi ko. Tiningnan ko yung notes ko, tama nga siya baliktad nga. Baliw ba ako na hindi ko man lang napansin.
"Oi, magluluto ako kaya humanda ka! " Nakacross arm niyang sabi.
"For what?" Ano na naman kaya trip ng babaeng 'to?
"Basta surprise, mamaya na lang babush!" Tumayo siya sabay kuha ng bag niya sa sofa. Sinundan ko siya ng tingin at patungo siya ngayon sa room niya. Nang bumaba siya nakita ko siyang may kinukuha sa reef ng kung anu-ano. Pagkatapos niyang magluto tinawag niya ako para kumain na ng hapunan.
"Oi ungas ah este Lay kain na tayo!" Hyuna.
"Ba't ang rami nito? May birthday?" Marami kasing nakahanda na mga pagkain mga 5 types ata yun, basta para sa akin marami na yun eh kasi kami lang dalawa ang kakain nun.
"Hahaha wala gusto ko lang basta kumain ka na dahil mag-aaral pa ako pagkatapos nito." Naka poker face lang ako pero gusto ko sanang magtanong kung bakit marami yung niluto niya.
"Oi by the way pa'no mo pala nalaman na dun ako nag-aaral?"
"Ah...eh sa nakita lang kita bigla..." Tiningnan niya ako na parang hindi naniniwala.
"Yun lang?"
"Eh ano pa ba? Nag aassume ka na naman ba diyan?" Sumubo ako ng isang kutsarang pagkain pero nakatingin parin ako sa kanya kasi hanggang ngayon nakatitig parin siya sa akin.
"Tinitingin-tingin mo diyan?"
"Ang lakas mo palang kumain? 'Di joke lang, teka may itatanong lang ako...pwede?" Ano na naman kaya 'tong itatanong niya nakalimutan ba niya ang rules na bawal ang matanungin.
"Do you still remember the rules?"
"Yeah syempre, ako pa! Pati nga yung bawal ang matanungin, who cares sa rules na yun. Bawal ang may bawal pag nasa dining area yun yung rules ko na dapat sundin!" Inirapan niya ako kaya nakapagreklamo na naman ako sa kanya.
"And do you remember ba na bawal ka na gumawa ng rules dito?" Napag-usapan na namin yun, yun pa nga ang pinaka last rule na ginawa ko sa kanya.
"Ahhh basta yun yung akin, basta hindi sumunod patay 'yang noo mo, lalagyan ko yan ng red pentelpen." Ito na naman siya, umiiral na naman ang pagkachildish.
"Okay, basta yan lang 'yung rule na gagawin mo!" Patapos na akong kumain pero mas nauna siya.
"Una na ako huh, mag-aaral pa ako. Ayyy by the way good luck pala." Para saan naman kaya yung good luck niya?
BINABASA MO ANG
My Roommate
FanfictionA cold guy na biglang dumating sa life mo as ROOMMATE. Naging ka roommate mo siya nang dahil sa isang room na lang ang hindi pa occupied na na rent. Wala kang ibang magawa kun'di ang makishare sa lahat-lahat pati ang nag-iisang C.R., dining area, ki...