CHAPTER 23: Feminine Wash

3 0 0
                                    


Nakaupo lang si Lay sa kama, sa totoo lang hinihintay niya talaga si Hyuna. Hindi pa kasi siya nakatulog mula kanina, na ba-bother kasi siya kung ano na ang pinaggagawa ng dalawa.

Ilang minuto ang lumipas, may narinig siyang footstep na papalapit sa kwarto niya. Sinilip niya mula sa labas kung si Hyuna ba talaga yun. Nung nakita niya yun dali-dali siyang humiga sa kama at nagpaas-if na natutulog.

"Ang daya natutulog si Ahjussi?" Sabi ni Hyuna habang sinisilip ang natutulog na si Lay.

"Gwapo ka rin pala sana ahjussi kaso, ang sama mo minsan sa akin. Nabawasan tuloy yang kapogian mo." Mahinang sabi ni Hyuna sa pinakahuling salita. Ngumisi siya at naghalungkat ng mga gamit mula sa bag niya. Hindi niya alam na kanina pa siya tinitingnan ni Lay na dilat ang isang mata.

"Ba't ngayon ka lang?" Hindi mapigilan ni Lay na magtanong kay Hyuna. Dahil sa biglaang tanong ni Lay, na balibag ni Hyuna yung bitbit niyang maliit na bote.

"Waaah...ano ba? Akala ko ba natutulog ka?" Tanong ni Hyuna na na hawak-hawak yung dibdib niya dahil sa kaba.

"Maingay ka kasi kaya nagising ako." Sabi ni Lay na halatang nagdadahilan. Kumunot ang noo ni Hyuna sabay tingin niya sa maliit na boteng nalaglag kanina.

"Naku 'di 'to maaari, tingnan mo natapon na tuloy ano na gagamitin ko?" Sabi niya na parang bubulwak ang dalawang mata dahil sa nakita.

"Tsk...careless ka rin kasi." Lay

"No, kasalanan mo'to ikaw kasi eh bigla-biglang nagtatanong."

"Hindi ko naman alam na ganon ang magiging reaction mo." Lay

"Dah, bilhan mo'ko nito." Hyuna

"Ganyan na ba ka importante yan?" Lay

"Oo kaya bilhan mo'ko." Hyuna

"Oo na, sige na ako na bibili niyan." Lay

"Good..." Hyuna

"Wait ano nga pala yan?" Tanong ni Lay habang papalapit sa natapon na bagay. Pinulot niya yun at binasa.

"Wala ng bawian, thank you..." Ngiting sabi ni Hyuna.

"What, feminine wash mali ba pagkakabasa ko o tama talaga?" Lay

"Ang oa, para namang hindi na nakakita ng ganyan sa tv." Hyuna

"Ako bibili ng ganito, nagpapatawa ka ba?" Lay

"Sinabi mo na, ta's isa pa kasalanan mong nalaglag yan." Sabay turo ni Hyuna sa boteng hawak-hawak ni Lay.

"Oo na, pero 'di ko alam kung saan ako bibili nito?" Lay

"Alam mo maganda rin naman mag-adventure mag-isa kaya, kaya mo yan." Hyuna

"Ang rami mong arte sa katawan." Lay

"Aishhh...jinjja bili ka na dun dali." Lumabas na si Lay sa kwarto nila na may kunot noo. Hindi kasi niya alam kong saan yun bibilhin.

"Oh Lay hyung saan lakad natin ngayon?" Tanong ni Chen na kumawala ng malaking ngiti.

"Ahm somewhere? May bibilhin lang ako." Lay

"Ano naman bibilhin mo?" Tanong rin ni Xiumin na kanina pa kumakain ng peppero.

"Ahm nakakahiya mang sabihin, pero may itatanong sana ako." Lay

"Nagtanong ka na." Chen

"Serious ako..." Lay

"Serious daw siya Chen hyung." Xiumin

"Ahm...saan ba mabibili ang feminine wash?" Biglang tumawa ang dalawa kaya napaface palm ma lang si Lay.

My RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon