LAY's POV~~~INSERT SOUNDTRACK: ( Sunny Hill )_Yi_Jeong_( HISTORY )_Sensory Couple OST~~~
Hindi na siya nagsasalita hanggang sa nakauwi na kami sa bahay. Tsk...parang may D.I.D. lang.
"Hoy ba't 'di ka nagsasalita?" Silent parin siya habang tinitingnan yung pinamili namin.
"Hoy...may D.I.D ka ba? Lumingon siya bigla sa akin.
"D.I.D? Paano mo nasabi na may D.I.D ako?" Hyuna
"Eh ang ingay mo kanina ta's ngayon tinatanong ka hindi ka na nagsasalita."
"Weee? Nanunuod ka ng Kill me Heal me no?" Sabay hawak niya sa shoulder ko kaya tiningnan ko yung kamay niya para kunin niya yun.
"Ayyy sorry...pero totoo nanuod ka nun?" Hyuna
"Hindi!"
"Ay sus, denial eh!" Hyuna
"Oo na, eh ano ngayon?"
"Talaga, kailan mo pinanuod?" Hyuna.
"Nung mahinahon ang bahay, yung tulog ka. Ang pangit kasi ng mga cd's mo. Wala akong ibang nadampot kaya yun na lang yung pinanuod ko kasi boring dito." Ngumiti siya ng pagkalaki-laki.
"Ahhh...ano kilig no, nakakatawa ta's nakakiyak?" Hyuna
"Pangit..."
"Ang kj mo, eh sa naiyak ka sa huli!" Hyuna
"Hindi ako katulad mo na iyakin."
"Ahy...baka nga nagkauhog ka ng napanuod mo yung huli? Sipunin ka ata eh!" Hyuna
"Oh kainin mo yan, daldal mo." Nilagyan ko ng strawberry yung bibig niya para 'di na siya makapagsalita.
"Chaan ka phuphunta?" Ang daldal parin kahit puno ang bibig.
"Bawal magtanong diba?
Ta's bawal din magsalita 'pag puno ang bibig. Ikaw na mag arrange niyan." Pumasok na ako ng kwarto at humiga sandali. Grabe ang araw ko ngayon, nakakapagod talaga. Kanina, tinawag niya akong ahjussi? Matanda na ba talaga ako, lakas mantrip huh Buti na lang nag hood ako at walang nakapansin sa akin kaya 'di ako pinagtawanan kanina."Ahjussi baba ka muna!!!" Sigaw niya sa may dining area.
"Huag ka ngang magsisigaw!!!"
"Bakit, sumigaw ka naman ngayon ah?" Haaayyy, palusot talaga nitong babaeng 'to. Binaba ko siya para malaman kung anong sadya niya sa akin.
"Bakit ba?"
"Napagod tayo kanina kaya hot chocolate with mallows para sa'yo!" Ngiti niyang sabi.
"No thanks, sa'yo na yan."
"Dalawa yung kinuha ko." Hyuna
"Edi ubusin mo!" Sabay talikod ko para bumalik sa kwarto.
"Hindi ko maubos eh." Hyuna
"Itapon mo."
"Sayang, maraming nauuhaw at nagugutom ngayon." Lumapit na lang ako sa kanya para inumin yun, marami kasi siyang palusot eh.
"Tanong ko lang, anong konek pag ininom ko 'to? Maiibsan ba ang uhaw nila, mabubusog ba sila 'pag kumain din ako?" Tiningnan ko siya habang nakatayo malapit sa kanya.
"Hindi, pe...pero masamang magtapon ng pagkain o kung anu-ano ngayon eh." Hyuna
"Haaayyy, hindi ba 'to nakakalason?"
"Hindi, inumin ko pa 'yan eh " Akma niya sanang iinumin kaya itinaas ko yung kamay ko para 'di niya maabot.
"Huwag na magka-virus pa mahawa pa ako."
BINABASA MO ANG
My Roommate
FanfictionA cold guy na biglang dumating sa life mo as ROOMMATE. Naging ka roommate mo siya nang dahil sa isang room na lang ang hindi pa occupied na na rent. Wala kang ibang magawa kun'di ang makishare sa lahat-lahat pati ang nag-iisang C.R., dining area, ki...