"Anong problema, eh maganda nga na magkakilala sila. Anong masama nun?" Chen"Long story basta..." Di natapos ni Lay ang dapat sasabihin nang biglang nag walk out si Hyuna.
"Hyuna!!!" Sigaw ni Jb na papalapit kay Hyuna.
"Jb o kung ano man yang pangalan mo, pwede ba layuan mo muna siya?" Lay
"Who are you to said like that huh, ano ka ba niya?" Hinihintay niyang makasagot si Lay pero biglang natahimik ito.
"Oh 'di ka makasagot it means walang sa inyo." Sabi pa ni Jb na palakad papalayo para puntahan si Hyuna. Natirang nakatayo si Lay habang pinapanuod siya nina Xiumin at Chen.
"Yah...akala ko mag-aaway na kayo nun." Xiumin
"Ako nga rin eh, wait akala ko kilala mo si Jb 'di pa pala?" Chen
"Hell I care about him. Pero sino ba yung asungot na yun huh?" Tanong pa ni Lay na nakakunot ang noo.
"Kaibigan yun ni Suho hyung." Xiumin
"Kaibigan lang pala eh ba't kung makaasta parang may-ari ng buong bayan?" Lay
"Putek 'di mo pa pala alam, not just friend Lay but they're cousins hyung! " Sabi pa ni Chen na nakangisi lang.
"Hell I care ULIT kahit siya pa ang drug lord wala akong pakialam. Kapag itatanong niya ulit yun sa akin lagot talaga siya." Lay
"Nadala ka lang sa emosyon gusto mo si Hyuna eh, kaso walang kayo. Nasabi niya yun dahil totoo naman na wala lang kayo ni Hyuna." Chen
"Tumigil ka nga, 'di ko pinangarap na mayroong connection sa madaldal na yun. Isa pa 'di yun ang ikinagagalit ko. " Lay
"Eh ano?" Xiumin
"Naiinis ako sa aura, porma, sa mataas ang tingin sa sarili daig pa ang presidente at lalong-lalo na ang pagmumukha niyang sarap apakan!" Sabi niya sabay cross-arm.
"Weee...baka 'di yan ang dahilan baka iba huh?" Xiumin
"Isa rin kayo no, pwede ba punta na tayo kina Suho hyung?" Lay
"Eh pa'no si Hyuna?" Chen
"May paa siya, kaya niyang maglakad " Lay
"Grabe eh kung..." Tiningnan ng seryoso ni Lay si Chen kaya 'di natapos yung gusto niyang sabihin.
"Uuna na ako sa inyo kung ayaw ni'yo pang pumunta dun." Sabay lakad ni Lay habang nakalagay ang kamay sa bulsa ng jacket niya.
"Ay...may naiwan pa pala ako sa kwarto babalikan ko muna yun." Xiumin
"Nak ng...sige na sasamahan na nga lang kita bago pa ako masapak ni Lay." Chen
"Buti pa, bilisan ni'yo huh..." Palakad na si Lay nang may narinig siyang iyak sa likod ng palm tree. He get closer para alamin kung sino yun.
"Hyuna?" He said with a curious voice. Hindi lumingon si Hyuna at nanatili parin itong nakayuko pero halatang pinigilan nito ang hikbi niya. Nilapitan niya ito at sumandal sa puno.
"Iniiyakan mo pa pala ang gunggung na yun?" Tanong niya kaya lumingon bigla sa kanya si Hyuna na nakaupo parin at hawak-hawak ang dalawang tuhod na parang bata lang.
"Ba't ka 'andito?" Hyuna
"I asked you but you answered a question, okay karin huh?" Lay
"Kung alam ko lang na..." Hyuna
"Na 'andito siya at ayaw mo ng pumunta dito, tama ba ako?" Putol pa ni Lay.
"O..oo... " Sabay yango niya.
"Oh 'di ka pa ba tatayo
diyan? For sure kanina pa sila nagsisimula." Lay"Oo na..." Sabay pagpag sa shorts niya.
"By the way para ipamukha mo sa kanya na you don't like him, you should be strong and always wearing a smile. 'Di tulad ngayon na parang bata sa kakangawa diyan." They started walking while Hyuna tried to wipe her tears.
"Hindi ko mapigilan eh..." Pout na sabi niya.
"Then you should control it. At this time 'di mo siya maiiwasan kasi party ngayon at andito siya." Lay
"Thank you sa concern." Sabay smile niya. Tumingin sa kanya si Lay na nakapoker face lang.
"It's not a concern, sinasabihan lang kita para 'di ka magmukhang katatawanan o timang man." Sabi niya at lumakad papalayo.
"Tsk...umandar na naman ang kasamaan ng Judas na'to, hintay." Hyuna
"Oh andito na pala kayo Lay mabuti naman." Bati pa ni Kai na patakbong lumapit kay Hyuna.
"Tsk...ikaw ang unang binati pero si Hyuna naman ang tinakbuhan, ang galing niya talaga." Tawang sabi pa ni Kris na nasa gilid.
"Marami-rami nga pala talaga tayo, saan na kaya yung hinayupak na yun?" Tingin-tingin niya sa malayo.
"Sinong hinayupak ang hinahanap mo huh?" Tanong pa ni Kris na nakahawak pa sa buhok niya.
"Wala..." Lay
"Hoy may couple color ba kayo ngayon ng ka roommate mong si Hyuna?
Ang cool huh..." Kris"No, coincidence lang na magkapareho yung kulay. 'Wag mo ngang bigyan ng kung anu-anong mga kaek-ekan, nagmukha ka tuloy bakla. " Sabi pa ni Lay.
"Sinong bakla huh?" Singit naman sa inosenting si D.O.
"Wala itanong mo na lang sa puno huli ka na, diyan ka muna hyung sasamahan ko muna ang batang 'to." Sabay turo niya kay D.O. na kumakain pa ng peppero.
"Sige, take your time. " Nilingon ulit ni Lay si Hyuna sa bandang likuran niya kung magkasama pa ba sila ni Kai. Lalong nag-alala siya nang 'di niya makita ito dahil baka umiiyak at nagpunta na naman sa kung saan-saan kaya hinanap niya ito.
"Hinahananap mo'ko?" Siko pa ni Hyuna sa kanya.
"Ikaw, asa...assuming ka talaga parati no. " Lay
"Eh ba't kanina ka pa palinga-linga diyan?" Hyuna
"Ikaw kanina ka pa ba nakatingin sa akin?" Lay
"No, why should I?" Hyuna
"Eh ba't alam mong kanina pa ako palinga-linga?" Sabi pa niya at nag walk out.
"Walang manners talaga, sikuhin kita ulit diyan eh." Sabay sunod niya kay Lay.
"Yah...Yixing!!! Yixing!!! Zhang Yixing!!!" Tawag pa ni Hyuna kay Lay na naglalakad pa rin.
"Lay!!!" Tawag niya kaya lumingon na siya.
"Bakit ka ba tawag ng tawag huh?" Lay
"Eh ayaw mong lumingon eh!" Hyuna
"As I said before, ayokong tawagin sa true name ko, lalong-lalo na ikaw ang tumawag." Lay
"Gusto ko lang naman ipa-remind na..." Hyuna
"Walang bawal ngayon dito and you can make everything you want, am I right?" Putol na sabi ni Lay kay Hyuna.
"Oo...sana..." Hyuna
"Then go, walang bawal naman ngayon so it means wala akong pakialam sayo." Sabi ni Lay at lumakad uli.
"Ano bang problem nun at galit na galit?" Tanong pa ni Hyuna sa sarili. Lalapit sana si Lay kina Suho nang biglang my sumalubong sa kanya.
"Hey...ikaw pala. Mabuti't kaibigan ka rin ni Suho hyung, mabuti na yun at magkaalaman na." Jb
"If you mean about Hyuna-ssi wala akong pakialam. Wala akong pakialam sa inyo. This is party sana 'di ni'yo dadalhin ang problema ni'yong dalawa dito." Lay
"Tsk...mabuti ng wala kang pakialam. Akala ko may gusto ka rin kay..." Biglang tumalikod si Lay sa kanya kaya 'di niya natapos ang gusto niyang sasabihin.
R.A.Villarba
(^_^)√
BINABASA MO ANG
My Roommate
FanfictionA cold guy na biglang dumating sa life mo as ROOMMATE. Naging ka roommate mo siya nang dahil sa isang room na lang ang hindi pa occupied na na rent. Wala kang ibang magawa kun'di ang makishare sa lahat-lahat pati ang nag-iisang C.R., dining area, ki...