CHAPTER 19: Love Song

6 0 0
                                    


LAY's POV

"Hyuna-ssi!!!" Tawag nung isang lalaki sa kanya.

"Yeah prince charming mo Hyuna!" Rinig kong sabi ni Rigin kay Hyuna. Nakatingin lang ako sa kanila. Ngayon ko lang nakita ang lalaking tumawag sa kanya dito sa school pero familiar siya sa akin, parang nagkita na kami noon.

"Yoo...Lay hyung? May sasabihin sana ako sayo." Sabay kalabit sa akin ni Kai kaya tiningnan ko siya.

"Bakit?"

"May sasabihin ako sa'yo!" Nilingon ko ulit kung saan nakatayo kanina sina Hyuna pero paglingon ko wala na sila kaya hinanap ng mga mata ko kung saan sila napunta.

"Lay sino ba hinahanap mo?" Kai

"Huh, ako wala masakit lang yung leeg ko." Sabay ngiti ko sa kanya.

"Ahh...Lay hyung okay lang ba isama ko si Hyuna sa party?" Kumunot saglit yung noo ko sa sinabi niya. Magkaibigan na ba talaga sila totally kaya eninvite niya?

"I...ikaw, ikaw bahala!"

"Tsk...akala ko ayaw mong pumayag!" Kai

"Ba't mo ba tinatanong sa akin kung okay na isama siya huh?"

"Wala, baka kasi magalit ka sa kanya na biglang sumama si yasa opening party. " Kai

"Masama na ba talaga tingin mo sa akin Kai hyung?"

"Hindi...natanong ko lang baka ma awkwardan ka kasi kapag andun siya." Inakbayan niya ako bigla kaya tiningnan ko siya.

"Yah...kunin mo na yang kamay mo kumakain pa ako, buti ka pa tapos na!"

"Tsk...hahaha sige, sorry huh?" Kai

Pagkatapos ng last subject namin, nagsipag-uwian na kami. Pero 'di ko alam kung bakit ko hinanap si Hyuna. Gusto ko lang ata siyang makasama sa pag-uwi ngayon dahil gusto kong maaga siya makapagluto. Baka kung saan-saan na naman yun nagpupunta.

"Ahjussi!!!" Alam ko si Hyuna yung tumawag sa akin puro na lang yun ahjussi ng ahjussi eh.

"Ba't ka ba tawag ng ta..." Paglingon ko 'di pala si Hyuna yung tumawag ng ahjussi at higit sa lahat hindi ako ang tinawag, yung janitor pala namin.

~~~INSERT SOUNDTRACK: Thumping_( by; Kim_Min_Seung )_She_was_pretty_OST~~~

"Ahh...ba't ka ba tawag ng tawag ng ahjussi sa kanya? Dapat sir din..." Palusot kong sabi sa babaeng tumawag sa janitor.

"Ah...sorry Lay"

"Okay lang sorry din."

"Ahyyy...okay lang yun sir, ahjussi naman dapat kasi baka akalain nila na..." Janitor

"Ah...ah ikaw kung saan ka mas comportable, una na po ako." Sabay bow ko sa kanya. Tsk...nakakahiya yung ginawa ko. Kasalanan 'to ni Hyuna eh tawag ng tawag kasi ng ahjussi.

"Ahjussi!!!" Tawag ulit nung babae, pero 'di na ako lumingon pa baka kasi makapagdahilan pa ako ng nakakatawa. Mabilis akong naglakad patungo sa nakagrahe kong sasakyan.

"Ahjussi!!!" Bingi na nga ata janitor namin, malakas na kaya yung boses nung tumawag.

"Ahjussi!!!" Napansin ko lang na nakatingin na pala sa akin yung ibang student. Ang iba naman nakangiwi o naka smirk.

"Ahjussi, ang bingi mo talaga!!!" Paglingon ko si Hyuna pala talaga yung tumawag sa akin. Nakita ko siyang yumuko na parang pagod, parang kagagaling lang ata sa pagtakbo.

"Bakit ba, ang ingay mo. Mahiya ka nga nakatingin sila sa atin oh" Sabay tanaw ko sa mga student na nakatingin parin sa amin.

"Ahhh...hehehe oo nga no, ah..." Sabay kamot niya ng ulo.

My RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon