CHAPTER 7: Fault

6 1 0
                                    


HYUNA's POV

~~~INSERT SOUNDTRACK: Alone in the room_( IU )~~~

Eomo? Ehhh...waaannn!!! Napatakip ako sa bibig ko dahil napatili ako. Eh kasi naman eh, kamuntikan na kaming maghalikan buti na lang 'di niya napansin 'yun kasi nakapikit siya. Haaayyy naku 'wag naman sana maulit. Napa sign of a cross ako sandali, eh sa nabigla ako eh mapipigilan ba?

Tumalon ako sa bed ta's talukbong ng kumot sabay upo. Wahhh...nagamit niya tuloy yung panyo ko. Pero 'di parin nawala sa isip ko yung kanina. Eh sana pinabayaan ko na lang siyang natisod, bagay naman sa kanya masama ugali eh.

Ahhh!!! Kinuha ko yung unan ko sabay hampas ko sa sarili. Jusko jugigo, nababaliw na ata ako. Humiga na ako sa kama ko. Mabuti na lang wala kaming class tomorrow, dahil meeting lahat ng instructor so pwede ma late ng tulog. Lumabas muna ako saglit sa kwarto ko para pumunta sa sofa. Hindi pa kasi ako nakaramdam ng antok eh.

Umupo ako sa sofa sa may sala sabay lagay ng legs ko dun sa maliit na mesa. Ganito kasi ginagawa ko 'pag 'di pa ako dinadalaw ng antok. Mas lalong guminaw, na feel ko yun in my neck kasi naka ponytail lang ako. Kaya pala, kasi umuulan. Nilagay ko yung dalawang kamay ko sa may pocket ng jacket ko.

I lay my head sa may sofa. 'Yung bang nakaupo ka but yung head mo lang yung nakahiga? Gets niyo? Basta yun yung position ko ngayon. Pinikit ko yung mata ko, nagbakasakaling makatulog. Minsan kasi nagawa ko na'to dati.

Napadilat ako dahil may kakaiba akong nararamdaman. Napakadilim pa naman dito. I open my eyes...kaso may naaninagan akong kakaiba.

"Ahhhhhh.....multo!!!!! Ahhhh...." Hinawakan ng multo yung bibig ko. Jusko jugigo mamamatay na ata ako, anobeyyy gusto ko pang ma relax ang no class tomorrow panira 'tong multo na'to.

"Ssshhh....." Aba marunong pala mag ssshhhh ang multo wow naman. Kinuha ko yung kamay ng multo. Wow nag exist ang multo nahawakan ko eh. Napatayo ako bigla para harapin yung multo na yun. Kinuha ko yung phone ko para flashlightan siya.

"Hey, can you get off that thing?" Wow kailan pa naging reklamador ang multo? Mas lalo kong nilapit yung flashlight para makita yung creepy na mukha ng reklamador na multo.

"Ayyy ikaw pala yan? Akala ko kung ano na?"

"Pakipatay sa flashlight mo, masakit sa mata!" Ay neknek'di ko pa pala napatay yung flashlight. Dali-dali kong pinatay yung ilaw ko, haha baliw.

"Ba't gising ka pa? Akala ko tuloy multo ka!"

"Tsk...Eh ikaw ba't gising ka pa?" Lay.

"Ah...'di pa kasi ako inaantok..." Umupo na ako pagkatapos kung sinagot yung tanong niya.

"Eh ikaw?"

"Masarap matulog 'pag umuulan, kaso 'di pa ako makatulog eh!" Nakita ko siyang umupo na rin sa may sofa. Nakain nito at naging matinong kausap? Ahhh alam ko na umuulan kasi kaya nagkaganyan.

Tumahimik bigla yung paligid, pero minsan ninakawan ko siya ng tingin. Naka cross arm siya ngayon then naka cross legs.

~~~INSERT SOUNDRACK: The Space Between Us (by URBAN ZAKAPA ft. Soyou)~~~

"Ahm...thanks pala dun kanina!" Lay.

"Shhh...wala yun." Nginitian ko siya para hindi naman siya ma awkwardan.

"Tsk...ikaw naman kasi eh...!" Nakapout niyang sabi. Bwisit 'tong taong 'to ah? Akala ko pa yun na 'yung kabaitan niya, pero hindi pala.

"Hoy..eh kung ihing-ihi ka, yung hindi mo na talaga mapipigilan? Okay lang ba din?" Tsk...kaasar na 'tong unggoy na'to.

"Tsk...sandali lang naman sana ako eh...kung nakahintay ka lang!" Naninisi na naman si May,  seryoso ba talaga siya?

"Eh kung pumutok yung pantog ko okay parin?" Dahilan ko naman sa kanya.

"Paki ko?"

"Pwede ba? 'Wag mo'kong sisihin? Dahhh...ang clumsy mo lang talaga!"

"Mangyayari ba yun pag 'di ka lang atat? See?
That's your fault!" Lay

"Hayyy....walang otang na loob! Akin na nga yang panyo ko!" Nilahad ko yung kamay ko para kunin na 'yung panyo ko.

"Edi kunin mo, nasa C.R. naka hanger!" Tumayo siya bigla sabay palo sa kamay ko ng mahina.

"Hoyyy..." Wala, hindi na siya lumingon pa.

"Hindi ka na sana makatulog!!! Forever..... " Haaayyy...naku kaasar na siya, siya na 'tong tinulungan kanina napaka...talaga!

Bumalik na ako sa room ko para makatulog at kung makatulog pa ba ako sa kalagayan kong 'to.
Naisip ba talaga niya kung ano 'yung sinabi niya kanina? Hay...sarap talaga niyang eh triple-S!
Humiga ako sa kama ko sabay palo ng unan sa sahig. Dahil din sa pikon ko tinadyakan ko yung wall na naka connect sa room niya.

"Hey...kung may ka praningan ka diyan sa loob 'wag ka ngang magsisipa?" Yan yung sinabi niya sa akin. Kahit mahina lang yun dahil nga nasa kabilang room siya, narinig ko yun dahil gawa sa wood yung wall dito.

"Ewan ko sa'yo!" Jusko jugigo....patayin ko kaya 'to sa panaginip niya nang mataohan.

Pinikit ko nalang yung mata ko nagbakasakaling makatulog. Tomorrow? Another day with him na naman.

R.A.Villarba
20150726
(^_^)√

My RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon