LAY's POVAs I open the door, nakita ko yung smile ni Hyuna sa akin. Talagang umiinom siya? 'Di ba niya alam na may class pa siya tomorrow?
Alalayan ko na sana siya nang winakli niya ako at nagpunta sa sofa. Kailan ba siya natutong maglasing?
Nilingon ko siya ulit, sa ngayon natutulog na siya. 'Di ko naman siya iiwan lang dito na nakaganyan. Dinala ko siya sa room niya at pinahiga sandali. Patayo na ako nang bigla niyang hinawakan yung kwelyo ko palapit sa kanya.~~~INSERT SOUNDTRACK: You're so beautiful_( K.will )_hunbaek~~~
"Hoy...aalis ka na naman? Sabi mo 'di mo na ako iiwan ulit?" Nakikinig lang ako sa mga pinagsasabi niya kaya quiet lang akong nakatingin sa kanya kahit malapit ang pagmumukha niya sa akin.
"Ba't ka ba bumalik huh?" Sabi niya sa'kin habang nakapikit. Nakita ko yung nangingilid niyang luha. Siguro malungkot siya kaya naglasing, sino naman kaya ang taong yun?
"Alam mo sa totoo lang miss na miss na miss na miss talaga kita." Mas lalo siyang lumapit sa akin hanggang sa 1 inch na lang yung pagitan namin.
"Kaso 'di pwede dahil galit ako sa'yo!" Hinigpitan niya yung pagkahawak sa akin kaya napapikit ako. Napalunok ako ng laway dahil sa magkalapit yung mukha namin. Naasar lang ako nang bigla niya akong sinukahan.
"Yuck, grabe kadiri kang babae ka." Pinahiga ko siya ulit at umalis sa pwesto ko kanina. Napatingin ako sa damit ko na puno ng suka niya. Kung hindi mo kaya maglasing 'wag mong gawin. Dinampot ko yung phone ko sabay tawag kay Suho.
"Hyung?
Ba't ka napatawag dis oras na nang gabi oh!" Reklamong sabi ni Suho."Ano ba gagawin ko sa taong lasing na lasing?"
"Lasing? Sinong lasing?" Suho
"Sino pa edi si Hyuna."
"Nilasing mo siya? Ikaw huh may pasekretong pagnanasa ka pala sa kanya." Suho
"Hindi ako, siya lang naglasing."
"Tsk...patulugin mo." Suho
"Yun lang? Ahhh...may isa pa pala!"
"Ano?" Suho
"Nagsusuka siya, pati ako sinukaan niya. Yuck talaga ang baho."
"Patulugin mo sa kwarto mo." Suho
"What? No way, eh kung mag-amoy suka huh?"
"Palitan mo ng damit alangan naman patulugin mo sa kwarto niya nakakalat yung vomit niya." Suho
"Haaayyy, 'di ko kaya!"
"Para kang bata, pumikit ka damit lang naman!" Suho
"Oo sige na sige na, gagawin ko na!" Eni-end ko na yung call ko kay Suho kaya binalikan ko si Hyuna. Haaayyy kahit kailan kadiri parin siya.
Hinalungkat ko yung cabinet niya para kumuha ng damit. Pinunasan ko muna siya bago binihisan. Dahil sa may respeto ako, pumikit ako habang binihisan siya. Kinarga ko siya at pinahiga sa kama ko. Sana naman 'wag na siyang magsusuka, nakakadiri kaya.
Tiningnan ko siya sandali na nakakunot ang noo nang bigla siyang nag-alis ng damit kaya pinigilan ko siya.
"Ho...hoy 'wag mong alisin yan!"
"Eh ang init eh!" Sabi niya habang nakapikit parin.
"Anong ang init? Naka-aircon na, haaayyyy dahil yan sa ininom mo!" Naghubad na siya ng damit at nahiga ulit.
"Maalala pa kaya niya bukas 'tong nagyari ngayon? " Sabay takip ko ng kumot sa kanya.
"Hooyyy...'wag mong lawayan yang unan ko huh? Malilintikan ka sa akin!" Nakatagilid siya ngayon dahil niyakap niya yung isang unan ko. Dahil sa kalikutan niya nakita ko yung back side ng katawan niya na may strap ng bra.
BINABASA MO ANG
My Roommate
FanfictionA cold guy na biglang dumating sa life mo as ROOMMATE. Naging ka roommate mo siya nang dahil sa isang room na lang ang hindi pa occupied na na rent. Wala kang ibang magawa kun'di ang makishare sa lahat-lahat pati ang nag-iisang C.R., dining area, ki...