HYUNA's POV~~~INSERT SOUNDTRACK: My Shining Love_My unfortunately boyfriend OST~~~
Bumaba na ako pagkatapos kong nagbihis. Maggo-grocery kasi kami ngayon. Pagkababa ko nakita ko siyang nakaupo sa dining table, may sinusulat ata kasi siya. Umupo ako sa may harapan niya na nakalagay yung isa kong kamay sa mukha. Kahit kasi suplado ang taong 'to cute naman siya 'pag serious, pero 'wag naman sanang serious talaga na 'di na mabiro-biro.
Sana maging mabait na talaga si Lay sa akin, kapag patuloy na talaga yung kabaitan niya, 'di na ako mag-iisip na aalis pa dito.
"Ano? Ba't ka nakatingin ng ganyan?" Namulat talaga ako sa katotohanan nang narinig ko yung boses niya na medyo suplado ang tono.
"Ahyyy...ano ba yang sinusulat mo?" Palusot kong tanong, baka kasi isipin niya na pinagnanasaan ko siya dahil kanina pa ako nakatingin sa kanya.
"List sa dapat nating bilhin." Lay
"Aahhh...may maitutulong ba ako?" Ngiti kong sabi sa kanya.
"Wala!!!" Wow ganda ng sinabi niya, ang ganda talaga.
"Eh may naisip akong bilhin eh!" Pout kong sabi sa kanya.
"Tsk...baka kung anu-ano pa yang bibilhin mo?" Lay
"Hoy mas may alam ako kaysa sa'yo no!!!"
"Sige na nga sabagay para ka namang AHJUMMA eh " Lay
"Ano?Ano tingin mo sa akin, big fat mama, matanda na? Ang sexy ko kaya, mas bata. Tsk...'di ba pweding may alam lang?"
"Ayhssss...magsulat ka na nga lang diyan, yang importante huh?" Sabay bigay niya sa akin nung small note and pen.
"Sa'n ka pupunta?"
"Diba bawal matanungin?" Haaayyy...bumalik na naman yung bawal- bawal na yan nakakainis talaga.
Naghintay akong ng ilang minuto bago siya bumaba. Medyo may katagalan rin kasi.
"Ba't ang tagal mo?"
"Inayos ko pa ang kwarto ko may nakapasok eh." Lay
"Huh?"
"May nakapasok kagabi, hindi man lang inayos, ang baboy mo talaga!" Lay
"Sorry, hahaha nakalimutan ko eh." Sabay peace sign ko sa kanya.
"Tayo na?" Lay
"Huh?" Nabigla ako sa sinabi niya.
"Tayo na?" Matamlay niyang sabi.
"Ano sabi mo?"
"Tayo na nga!!!" Lay
"Nakakainis ka, anong tayo na? Ang swerte mo, nakatulog lang ako sa kwarto mo ta's sasabihan mo'ko na tayo na. Ano ako easy girl?"
"Baliw ka?" Yung reaction niya talaga parang nandidiri lang.
"Oh ta's ngayon baliw na ako, eh ikaw nga 'tong nagsabi bigla ng tayo na?"
"Adik ka ba?" Kunot noo niyang sabi.
"Wow, kanina baliw ta's ngayon adik na naman? Ano ba talaga totoo?"
"Pwede ba, 'wag kang assuming kahit minsan lang? I'm not sayin' na tayo na as tayo na na iniisip mo. I'm sayin' na tayo na as pupunta na tayo sa grocery store. Pinagsasabi mo huh?" Hahaha...assuming nga ako minsan, ay hindi parati na pala. Nakakahiya na nga minsan eh.
"Ayyy sorry hahaha, akala ko kasi 'yun na eh. 'Di mo kasi kinumpleto!" Nagkamot ako ng ulo dahil sa hiya ko ngayon.
"Oh ano, tayo na? Tayo na sa grocery store?" Lay
BINABASA MO ANG
My Roommate
FanfictionA cold guy na biglang dumating sa life mo as ROOMMATE. Naging ka roommate mo siya nang dahil sa isang room na lang ang hindi pa occupied na na rent. Wala kang ibang magawa kun'di ang makishare sa lahat-lahat pati ang nag-iisang C.R., dining area, ki...