PROLOGUE

2.7K 14 2
                                    

Disclaimer: 

This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. The views and actions of the characters do not represent the beliefs or actions of the author or any associated parties. This story is intended for entertainment purposes only.


_____

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa walis-tingting dahil sa nakikita ko. Sa sobrang inis, halos gusto ko nang ihagis ito sa babaeng tila pasimpleng hinahawakan si señorito ko. Napipigil na ako sa galit na gusto ko ring punitin ang bibig niya na laging may ngiti, kahit walang nakakatawa.

Nahugot ko ang hininga ko nang malapit nang maglapat ang labi nila dahil biglang nagtingin si señorito ko sa babaeng malapit sa kanya. Hindi alam ni señorito ko na malapit na ang mukha ng babae sa kanya.

Nangangati na ang kamao ko, gustong mag-landing sa mukha ng babaeng iyon—ang kapal ng mukha niya.

Hahakbang na sana ako para sugurin siya nang biglang may braso na pumulupot sa bewang ko at humila sa akin papalayo. Nagpumiglas ako para makawala, pero mas malakas siya sa akin. Dinala niya ako sa likod ng mansiyon at doon ko lang tuluyang nawalayan ang paningin ko kay señorito at sa babae.

"Courage has its limits, Luminara," sabi niya.

"Alam ko," nakanguso kong sagot. Nagpatawa siya at ginulo ang buhok ko, kaya't medyo sinamaan ko siya ng tingin. Oo, medyo lang, kasi anak siya ng boss ko.

"Don't worry, she can't take your señorito attorney away from you," sabi pa niya.

"Obvious naman, señorito doc," sabik kong sagot. Natawa ulit siya at sinadyang guguluhin ang buhok ko kaya umilag ako.

"Tsk. Damot," kunyareng suplado niyang sabi at tumalikod na. Nang hindi niya napansing sumunod ako, tumigil siya at sinenyasan akong sumunod.

Habang naglalakad kami, bigla siyang nagsalita na ikinagulat ko.

"Kung sana ako na lang ang nagustuhan mo, edi sinagot na kita," mayabang niyang sabi sabay nakapamulsa. Binigyan ko siya ng hindi makapaniwalang tingin. Alam kong binibiro lang niya ako. Palagi siyang nagpapatawa, pero higit ang pang-iinis niya.

Saka niya alam na kapatid niya ang gusto ko. Siya pa nga ang unang nakaalam kung sino.

"Sorry, señorito doc, pero may iba na akong nagugustuhan. Rejected," sagot ko. Napabulalas siya ng tawa na umabot sa paligid. Siya na ang masaya.

"At sino ang nagugustuhan mo, Luminara?" tanong ng malalim na boses mula sa harapan namin. Si señorito doc ay napatigil sa pagtawa at pinunasan ang luha sa mata.

Hindi ako agad nakasagot. Badtrip. Si señorito doc kasi, daldal.

Alam ko namang alam na ni señorito attorney na may gusto ako sa kanya dahil obvious, pero hindi pa naman niya naririnig mula sa akin mismo.

"I'm asking you, Luminara," mahinahon ngunit seryoso niyang sabi.

Sabihin ko na kaya? Wala namang magbabago. Maid pa rin ako at isa siya sa mga amo ko. Parang imposible na magustuhan niya ako.

"You," sagot ko, na ikinagulat ko. Hala, ang tanga. Charot lang 'yon. Kahit 1% na pag-asa ko kay señorito attorney, ayaw ko pang mag-confess.

Kita ko sa peripheral view ko ang gulat na mukha ni señorito doc. Siguradong hindi niya inaasahan ang confession ko.

"You, y-yung kaklase ko. Oo, may n-nagugustuhan akong kaklase," utal kong palusot sabay ngumiti ng pilit.

Kaklase? Seryoso? Wala naman akong kaklase na gwapo. Ay meron pala, pero hindi ko type. Babaero.

Tumalikod si señorito doc, at nagtaas-baba ang balikat niya na indikasyon na tumatawa siya. Tinawanan niya ang palusot ko. Hindi ko nalang siya pinansin. Nang magtama ang tingin namin ni señorito attorney, ngumiti ako ng malaki.

"Bring that guy here. I want to meet him," utos niya sa akin. Magsasalita pa sana ako para kontrahin siya, pero tinalikuran na niya ako.

Patay. Waaaa... Kasalanan mo 'to, señorito doc.

Winning the SeñoritoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon