Napatigil ako sa paglalakad nang harangin ako ng bunsong Montelibano. Ngumiti ako saka bahagyang nag bow.
"Ate Luminara, I command you, take me with you." maawtoridad niyang utos sa'kin. Napakamot ako ng kilay dahil sa hindi niya pagsuko.
Madalang na kasi umuwi si señorito attorney simula noong maging lawyer siya kaya nga isa rin sa naging trabaho ko ay ang hatiran siya ng pagkain sa opisina niya pag hindi siya nakakauwi.
Simula nga noon ay palaging gustong sumama ni señorita Naya sa'kin para makita ang pinakamamahal niyang kuya. Gustuhin ko mang isama siya ay ayaw pumayag ni senyora. Napaka overprotective ng senyora sa unica hija niya.
Akala ko titigil na siya pero heto nga't kinukulit na naman ako ngayong nakabalik na si señorito attorney.
"Kung ako lang ang masusunod señorita ay hindi ako magdadalawang-isip na isama ka pero alam mo namang si senyora ang batas dito sa mansiyon. Patay ako at si mama pag palihim kitang isama." sagot ko sakanya.
Napaisip naman siya sa sinabi ko. Mahal na mahal niya si mama dahil nagsilbing pangalawang ina niya ito, simula kasi noong isilang si señorita Naya ay si mama ang naging yaya nito.
"What is it, Naya? Are you bothering Luminara again? Your ate won't take you, and that's final." maawtoridad na sabi ni senyora na ngayo'y naglalakad pababa ng hagdan kasama ang senyor.
Agad-agad akong nag-bow. Napatingin kami kay señorita Naya nang magpapadyak ito at nagbabadyang umiyak.
Nilapitan siya ni senyor at kinarga at dito na nga ito umiyak. Umalis si senyor kasama si señorita palabas ng mansiyon, malamang papatahanin 'yon. Umupo naman si senyora sa sofa. Ngumiti ako at nagbigay galang dito.
"Magandang umaga po, senyora." masayang bati ko.
"Magandang umaga rin sa'yo, Luminara." pabalik niyang niyang bati sa'kin.
"How's school?" tanong niya.
"Ayos naman po, magtatapos na po ako sa taong ito." sagot ko na ikinangiti niya.
"And what's your plan after graduation? Do you want to work?"
"Opo pero dito pa rin." gulat siyang napatingin sa'kin, hindi yata inasahan ang sagot ko.
"What? Why? Hindi mo ba gagamitin ang degree mo?"
"Hindi po siguro muna, gusto ko pa pong pagsilbihan ang mga señorito't señorita pati kayo."
"Oh no, don't do that Luminara. Live your own life. Malalaki na ang mga anak ko't anytime mag-aasawa na. Don't waste your precious time on us."
Napangiti ako sa sinabi ni senyora at natouch. Ang bait talaga ng amo ko.
"Titigil lang po siguro ako sa pagsisilbi dito pag nag-asawa na po ang señorito Amadeu." sagot ko
"Are you serious? Akala ko ba may gusto ka kay Amadeu? Bakit mo iniisip ang mga ganyang bagay?" nagulat ako sa sinabi ni senyora. Alam niya? Hala, nakakahiya.
"A-Alam niyo po?" tumango si senyora at natawa.
"The way you look at my son—it's different." napahawak naman ako sa pisngi ko dahil nag-init ito.
Biglang may sumagi sa isip ko na tanong na nais kong itanong kay senyora pero natatakot ako sa magiging sagot niya. Napakagat ako ng labi at napapalunok. Ngumiti si senyora habang nakatingin sa'kin.
"Want to ask something?" aniya na may mapaglarong ngiti sa labi. Napalunok ulit ako at palakas ng palakas nag tibok ng puso ko. Pumikit ako at humingang malalim bago sinalubong ang mga panunuksong tingin ni senyora.
BINABASA MO ANG
Winning the Señorito
RomanceLuminara, the daughter of a maid and a maid herself in the grand Montelibano Mansion, has always carried a deep, unspoken love for Atty. Amadeu Valentim, the second son of her employer. Every day, she endures the pangs of jealousy as a parade of we...