Ngiti dito. Ngiti doon. Bati dito. Bati doon. Nangangalay na lahat ng dapat mangalay. Hindi pa rin ako nasanay, isang dekada ko na yata 'tong ginagawa sa tuwing may selebrasyon sa mansiyon.
Gusto kong palakpakan ang sarili sa pagiging kalmado kahit gustong-gusto ko nang hablutin ang mga buhok at kalmutin ang mga mukha ng mga babaeng panay papansin at lapit kay Señorito Attorney.
May nakita na naman akong babaeng kinulang sa tela ang suot na nakipag-kamay kay Señorito, mapang-akit siyang ngumiti. Naunang kumalas si Señorito Attorney dahil parang walang balak bitawan ng babae ang kamay niya.
Tumalikod ako para walang makakita sa masama kong mukha. Napatukod ang dalawang kamay sa mesa, mabibigat ang hininga, at napakuyom.
Dumating si Ate Pilar at tumabi sa 'kin kaya pinakalma ko ang sarili sa pamamagitan ng pag inhale at exhale. Humarap na 'ko, wala na si Señorito sa kinapupwestuhan kanina.
"Mas madami bisita ngayon ano, Lumina?" tanong niya habang nasa ibang lugar ang atensyon.
"Oo nga, patay na naman tayo after party." sagot ko habang hinahanap ng mata kahit anino ni Señorito Attorney.
Napangiti ako nang makita siyang kausap si Atty. Serrano ngunit bigla ring naglaho nang may babaeng biglang dumating at nakipagbeso sa kanya na pinaunlakan naman niya.
Napataas ang kilay ko nang makilala ang babae, si Laarni Sebastian.
"Hoy! Tigilan mo na nga 'yang pagtataas ng kilay sa tuwing nakikita mong may lumalapit na babae kay Señorito Amadeu. Kakataas mo ng kilay diyan, hindi na 'yan babalik sa dating pwesto, sige ka." natatawang saway niya, umirap ako.
Patuloy ko silang pinagmamasdan at panay ang ikot ng mata ko sa tuwing tumatawa si Laarni na may kasamang hampas sa braso ni Señorito.
Hindi ako nakakaramdam ng selos, irita lang. Hindi siya banta sa pag-ibig ko. Masyado lang siyang touchy kay Señorito Attorney. Kinalabit ni Ate Pilar ang braso ko kaya napabaling ako ng tingin sa kanya.
"'Diba maliban kay Señorito Amadeu may isang lalaki na minsang mong nagustuhan?" napasandal ako sa mesa dahil sa tanong niya. Nakatutok nang muli ang mata kay Señorito Attorney.
"Si Matteus Francisco, bakit mo natanong Ate Pilar?"
"Gusto ka rin n'on 'diba? Bakit hindi naging kayo? Bagay pa naman kayo ng binatang 'yon."
"May nalaman kasi ako sa kanya kaya naturn off ako."
"Ano naman?"
"Nalaman kong masyado kaming bagay sa isa't isa. Nawalan ng thrill ang pagkagusto ko sa kanya." ngisi kong sagot. Napahiyaw ako nang hampasin niya ang likod ko.
"Ang hangin, kaltukan kita diyan. Dali na... Sabihin mo na." pagpupumilit ni Ate Pilar, natawa na lamang ako.
"Wala, secret ko na 'yon. 'Wag mo nang alamin."
"Sus! Damot mo."
Natigil ang usapan namin nang may lumapit na bisita para magtanong kung nasaan ang comfort room, nagpresenta si Ate Pilar na samahan ang babae kaya solo flight ulit ako.
Maya-maya pa'y dumating si Mama, inutusan niya ako at ang iba na mag-serve ng pagkain sa bagong dating na mga bisita. Kumilos agad kami.
Ang kasamahan ko ang naglalagay ng pagkain, ako naman ang nag-aayos nito. Hindi pa sila umuupo kaya malaya kaming nakakakilos. Napansin kong katabi lang ng mesa ito ang mesang inuukupa ni Don Olivar at Don Matias, ang ama ni Senyor Eldric.
May kasama silang kaedaran lang din at mukhang masaya silang nag-uusap, rinig na rinig mula dito ang boses nila.
"I've met your three grandsons before—such fine young men. Atty. Amadeu, in particular, stands out with his posture and aura radiating elegance. His manner is poised, formal, and professional in conversation, carrying himself respectfully. I can't help but wish I had a grandson like him. You both must be very proud." rinig kong papuri ng isa sa mga matanda, hindi ko mapigilang mapangiti at makaramdam ng saya dahil sa narinig.
BINABASA MO ANG
Winning the Señorito
RomanceLuminara, the daughter of a maid and a maid herself in the grand Montelibano Mansion, has always carried a deep, unspoken love for Atty. Amadeu Valentim, the second son of her employer. Every day, she endures the pangs of jealousy as a parade of we...