CHAPTER 15

689 13 2
                                    

Tirik na tirik ang araw habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng jeep. Alas tres na ng hapon pero ang sakit pa rin sa balat ng araw.

May iilang butil na rin ng pawis ang nagsidaloy sa mukha ko kaya kinuha ko ang panyo na nakalagay sa paper bag kung nasaan ulit nakalagay ang uniform ko, dinampi-dampi ko 'to sa noo at mukha. Isang minuto lang yata akong fresh tapos haggard na ulit.

"Potang---" hindi ko na tinapos pa ang pagmumura, napahawak ako sa dibdib dahil sa panandaliang kaba at gulat.

May bigla kasing umakbay sa 'kin, akala ko hoholdapin na 'ko, susungalngalin ko na sana.

Tawang-tawa siya sa naging reaksyon ko, siniko ko siya sa tiyan pero parang hindi naman siya nasaktan sa ginawa ko. 

"Long time no see, Lumina. Grabe tinangkad mo, hanggang tenga mo nalang ako." bati sabay pinagkompara ang height namin.

"Sinabi ko na noon pa, lalagpasan ko pa ang height mo. Long time no see too, Albert." ganting bati ko. "Himala, lumabas ka sa lungga mo."

"May binili lang, wala akong mautusan sa bahay, walang tao." sagot niya, sinasabayan ang paglalakad ko habang nakaakbay pa rin sa 'kin.

"Walang tao? Eh ano ka? Maligno?" pamimilosopo ko dahilan para mahina niyang kurutin ang pisngi ko na agad kong tinampal.

"Tsh. Pilosopo pa rin." irap niya. Naramdaman ko ang mabining paggalaw ng buhok ko, hinawakan niya saka biglang inamoy.

Kunot-noo niya akong tiningnan. Hinagod niya ng tingin ang katawan ko mula ulo hanggang paa. Kung ibang tao pa ang lalaking 'to, matagal ko na 'tong sinapak. Nagmumukha siyang manyakis sa ginagawa.

"Galing ka na namang dagat noh? Pinaghalong amoy-araw at alat ang buhok mo. Ang gaspang din." dahil sa sinabi niya ay napaamoy rin ako sa buhok ko.

Medyo may amoy pa nga, matagal kasi akong nakababad sa dagat at may gaspang ang buhok ko dahil hindi ako nag-shampoo ng buhok noong nagbanlaw ako.

"Dami mong napapansin, bakit hindi ka nalang magpatuloy sa pag-aaral at maging imbestigador?" mataray kong tanong sakanya. Nag 'tsk' siya.

"Mas masaya ako sa ginagawa ko." sagot niya. "Alam mo, Lumina? Hindi kita gets. Halos ng mga babae ay gustong pumuti, kulang nalang lumaklak sila ng pampaputi para pumuti ng husto gaya ng mga foreigner. Sobrang takot na takot silang maarawan o mabilad sa araw pero ikaw? Paboritong-paborito mong gawin ang kabaliktaran."

Tinanggal niya ang braso sa balikat ko at naunang maglakad. Humarap siya sa 'kin pero naglalakad pa rin habang nakapamulsa. 

"Pansin ko, pag pumuputi ka ng konti, pumupunta ka kaagad sa dagat at maligo hanggang lumubog na ang araw." dagdag niya pa. Natawa ako dahil lahat ng sinabi niya ay totoong ginagawa ko.

Sa totoo niyan, kaya ako nagpuntang dagat at naligo kahit tirik na tirik ang araw ay dahil pansin kong nagla-light na naman ang balat ko.

Sakto namang wala akong klase last subject kaya kinuha ko na ang oppurtunity na 'yon. Gusto ko sanang may kasama kaso may klase pa 'yong dalawa kaya solo flight tuloy ako.

Tumigil si Albert sa paglalakad, hinintay niya akong makalapit sakanya bago nagpatuloy sa paglalakad. Magkatabi na kami ngayon.

"Bakit ba? Gusto ko maging morena kesa maging mestiza." sagot ko.

"May napansin pa ako." pinaningkitan ko siya ng mata, bakit ba ang daming napapansin ng lalaking 'to? Nakakabahala.

"Ano na naman?"

"Noong bata pa tayo, feeling ko guni-guni ko lang 'yong nakita kong blonde na kulay ng buhok mo." inabot niya ang ulo ko at tinuro kung saan. Ang roots ng buhok ko. "Dito. Pero kinabukasan ay wala na kaya nakumbinse akong baka namalik-mata lang ako."

Winning the SeñoritoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon