CHAPTER 01

1.3K 14 1
                                    

Iminulat ko ang mga mata ko at nakitang mataas na ang sinag ng araw. Araw ng martes ngayon, meaning may klase ako pero hindi ako papasok saka kakatapos lang ng finals at kasunod na ang semestral break. Kaya hindi ako papasok sa araw na ito kahit hate kong umabsent dahil sa aking love of my life.

Ngayon kasi ang uwi ni señorito attorney galing abroad. Kinuha kasi siyang lawyer kasi syempre magaling siya. Ang dami ngang gustong kunin si señorito attorney para ipaglaban sila.

Isa na'ko d'on. Hahaha.

Napatampal nalang ako sa noo. Dali-dali akong bumangon at nagkakakumahog para maligo at magbihis.

Shet.

Bakit ko nakalimutang ngayon pala ang dating ni señorito, parang kagabi lang hindi ako halos makatulog sa pagdi-daydream ko sakanya.

Hayst kaasar.

Anong oras na at anytime pwedeng dumating ang señorito attorney ko.

Lagot din ako sa sermon ni mama nito.

Pagkatapos ng lahat-lahat ay takbo agad ako palabas at tinungo ang kinaroroonan ni mama kasama ang ibang mga katulong na busy sa kaniya-kaniya nilang ginagawa.

Pinameywangan ako ni mama ng makita ako.

"Luminara, anong oras na at ngayon ka lang nagising? Aba, talo mo pa mga amo natin na madaling araw palang ay gising na." humingi ako ng paumanhin kay mama at sa lahat na pasimpleng tinatawanan ako.

Gusto ko mang gulatan ang mga halos kaedad ko lang na mga katulong ay hindi ko na ginawa dahil sunod-sunod na ang utos ni mama sa'kin.


Habang inaayos ko ang mga bulaklak na bagong pitas ay may lumapit sa'kin para asarin ako.

"Daydream pa more. Late ka tuloy nagising." asar niya sa'kin.

"Pinagsasabi mo diyan?" ani ko.

"Sus. Wag ako Lumina, ramdam ko ang likot mo kagabi kahit dis oras na ng gabi. Saka, nanalamin ka ba? Lusog ng eyebags mo oh." sabi niya sabay turo sa mata ko. Napahawak naman ako dito.

Tsk. Isa rin itong chismosa.

Hindi ko na siya pinansin pa at nagpatuloy sa ginagawa ko. Nang malinis ko na lahat ang mga bulaklak ay nilagay ko ang mga ito sa mamahaling vase ni señora.

Inamoy ko pa muna ang mga ito bago umalis at magtungo sa susunod kong trabaho.


Bandang alas diyes nang sabihin sa'min ni señora na nakalapag na ang eroplanong sinasakyan ni señorito kaya naman abot hanggang cloud nine ang saya ko.

At dahil tapos na lahat ng mga gawain at preparasyon ay pwede na kaming magpahinga. Tatawagin nalang kami pag dumating na si señorito, batiin at i-welcome ang ligtas na pagbabalik nito.

Naligo ako ulit at kasabayan ko nga ang ibang mga dalagang katulong. Panay kwentuhan ang mga ito sa iba't ibang bagay na hindi ako makarelate.

Sumapit ang alas dose at pinatawag na nga kami dahil malapit na si señorito ko kaya takbo agad ako papunta sa mansiyon.

Excited lang.

Agad akong humilera katabi ni mama. Nagsidatingan na rin ang ibang mga katulong. Pati ang mga amo namin ay pumanaog na dito sa veranda para salubungin ang señorito.

Ramdam kong may nakatingin sa'kin kaya hinanap ko 'to. Nagtama ang mata namin at ginawaran niya ako ng ngiti.

Ngiting nang-aasar at nakakaasar. Inismiran ko lang siya na lihim niyang ikinatawa.

Winning the SeñoritoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon