CHAPTER 14

607 12 1
                                    

"Oh? Lumina? Ano pang ginagawa mo dito? Tara na sa stadium." napabaling ako ng tingin sa may pintuan dahil doon nanggaling ang boses ng nagsalita.

Si Sienna pala, isa sa mga volunteer para magdesign sa loob ng stadium para sa gaganaping event.

"Pupunta ako, bibihis lang. Mauna ka na." sagot ko sabay kalkal sa bag para hanapin ang pamalit kong damit, baka kasi madumihan at malagyan ng pintura ang uniform na suot ko. Malalagot ako kay mama.

"Sure ka?" tango lang ang sinagot ko, nagpaalam na siya na mauna na, ako naman ay sinarado ang pinto dahil dito nalang ako sa loob magpapalit.

Wala naman masiyadong estudyanteng dumadaan. Sinimulan ko na ang paghuhubad habang mahinang kumakanta. Nasa kalagitnaan ako nang pagsusuot ng t-shirt nang marinig ko ang biglaang pagbukas ng pinto.

Hindi ko pa tuluyang nasusuot ang damit, nasa leeg ko palang ito.

Lumingon ako dahil sa gulat, nagtama ang mata namin, para siyang estatwa na nakatayo. Imbes na magpanic ay kinalma ko nalang ang sarili.

Hindi ko na mababago pa ang nangyari, nakita na niya ang likod. Huminga akong malalim saka tuluyang sinuot ang damit. Nakatayo pa rin siya sa gilid ng pinto, mukha pa naman siyang humihinga. 

Tinupi ko ang uniform, nilagay sa paper bag.

"S-Sorry L-Lumina, hindi ko alam na may tao pa dito sa l-loob." utal niyang hingi ng dispensa, hindi ako sumagot, tumango lang.

Binitbit ko ang paper bag saka sinukbit sa balikat ang bag ko. 

"K-Kaya ba tinanggihan mo 'yong competition?" tanong niya. Naglakad ako patungo sakanya, bago ako tuluyang makalapit sa kinatatayuan niya ay huminto ako at nameywang.

"Oo at sana wala akong maririnig na chismis tungkol sa nakita mo sa likod ko, nagkakaintindihan tayo?" agad naman siyang tumango, binigyan niya ako ng daan saka walang lingon-lingong umalis.

Pagkadating ko sa loob ng stadium ay medyo marami ng estudyante ang dumating, may mangilan-ngilan ding katulad ko na kakadating palang.

Ang iba'y nag-uumpisa na sa mga nakatokang gawain nila. Nilapag ko ang dala kong gamit sa isang bench, nagpalinga-linga ako sa paligid, nagbabakasakaling makita kahit anino n'ong dalawa pero wala. 

Hindi na 'ko nagsayang pa ng oras, pumunta ako sa may stage, kasalukuyang kinakabit doon ang malaking banner. Maliban sa banner ay may dinidikit din silang design sa dingding at doon ako tutulong.

Kumuha ako ng hagdan, umakyat, at nagsimulang magdikit. Hindi katagalan ay dumating na ang dalawa. Pumunta agad sila sa pwesto ko kasama ng iba naming kaibigan. Nakikinig lang ako sakanila habang ang lalakas ng boses nila na mag-usap ng kung ano-ano.

Hanggang sa mapunta ang usapan nila tungkol kay Valeria Hizon.

"ANO?! ISA KA RIN SA NABULLY NIYA?" halos sabay-sabay nilang sigaw, pati tuloy ibang estudyante na focus sa kaniya-kaniyang ginagawa ay napunta ang atensyon sakanila, maging ako ay napatingin din.

"Pero hindi naman gan'on kalala gaya ng iba niyang ginagawa sa iba niyang biktima." aniya. Namumukhaan ko ang babae, part siya ng journalism, siya nga nanalo last year bilang best journalist. 

"Ano bang ginagawa niya sa iba niyang biktima?"

"Noong una, hanggang verbal lang ang pambubully niya pero isang araw ay namimisikal na siya to the point naospital 'yong binully niya at hindi na pumasok pa. Gustong kasuhan ng magulang n'ong binully niya si Valeria pero dahil makapangyarihan ang pamilya nila, wala ring nangyari sa kaso." 

"Bagay lang pala sakanya na mabulok sa kulungan. Ang demonyita naman niya."

"Totoo 'yan, may kapitbahay kami noon, doon din siya nag-aaral sa school kung saan nag-aaral si Valeria. Nasaksihan daw niyang ang ginagawang pambubully ni Valeria, dahil d'on lumipat siya sa school namin."

Winning the SeñoritoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon