CHAPTER 08

819 13 1
                                    



Dumating na ang invitation at bukas na ang nasabing party. Kasalukuyan kong tinitingnan sa salamin ang sugat ko sa labi na sa awa ng diyos magaling na. Super effective nang gamot na binigay ni señorito doc sa'kin. Pumayag na rin si mama na dadalo ako sa pagtitipon ng mga mayayaman kahit labag sa kalooban niya, hindi niya kayang tanggihan ang senyora. 


Kahit labag din sa kalooban ang pagpunta sa party ay tinanggap ko nalang ang kapalaran ko. 


Hindi ko rin kayang hindian ang senyora, nakakahiya. All goods na, ang nananatiling problema ay ang damit na susuotin ko. Ang sabi ni senyora ay formal theme ang party. 


May mga dress ako pero bestida, may isa akong gown pero panget 'yon at malamang hindi ko na 'yon kasya dahil huling suot ko n'on ay noong JS Prom sa high school. 'Yong sandal ko naman ay hindi maganda, hindi rin panget. Sa jewelries naman, wala dahil hindi ako mahilig magsuot ng ganun.


Anyong tatawagan ko si Zaiko para humingi ng tulong tungkol dito pero hindi natuloy dahil pinapatawag ako ni senyora. Dali-dali akong pumunta ng mansiyon, nakabukod kasi ang maid's quarters pero hindi naman malayo, konting tumbling lang mula sa mansiyon. 


Malayo palang ay may naririnig akong mga boses mula sa kwarto kung nasaan ang senyora. Habang papalapit ako ay nagiging pamilyar na ang mga ito. 


Huminga muna akong malalim bago kumatok na agad namang bumukas at tumambad sa'kin ang pamilyar na mukha. Sa halos dalawang dekada ko dito sa mansiyon ay imposibleng hindi ko siya kilala. Sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang labi at mas nilakihan ang pagbukas ng pinto.


Napatingin din ang isa pang pamilyar na mukha at si senyora na malaki ang pagkakangiti.


"Finally you're here, Lumina. Come in." masiglang bati niya. Sumunod naman ako sa sinabi niya at tuluyang pumasok na. Sinarado ni Elena ang pintuan.


"Bakit niyo po ako pinatawag?" curious na tanong ko.


"Bukas na ang party, may susuotin ka na ba?"


"Wala nga po eh, pero tatawagan ko po 'yong kaibigan ko, baka makahiram ako sakanya."


Umiling si senyora. "No need to worry about that. Belle and Elena are here to help you." sabi niya sabay muwestra sa dalawang babae na sabay tumango.


"Kami ang magiging fairy godmother mo." usal ni Elena.


"Alam mo Lumina, matagal na kitang gustong ayusan and the time has come." ani ni Belle. May kinuha si Belle sa loob ng bag samantalang si Elena ay hinikit ako papunta sa harap ng salamin.


"Ah eh... Senyora, hindi niyo na po kailangang gawin 'to." nahihiyang sabi ko. Tumayo si senyora at hinawakan ako sa balikat.


"Ako ang nagpapasok sa'yo sa sitwasyong 'to kahit alam kong labag sa loob mo, so please let me help you, okay?" dahil sa sinabi ng senyora ay hindi na'ko nakatanggi pa.

Winning the SeñoritoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon