"Hindi nga señorito doc? Baka gino-good time mo lang po ako eh." umiling siya saka ipinatong ang kamay sa ulo ko. Hindi ko ito inalis at hinayaan nalang siyang guluhin ang buhok ko.
"Out of all the women, you're the one he liked best." banggit niya. Nabigla siya nang bigla ko siyang tingnan.
"Whuuut?! May ibang babae si señorito attorney?! Sino?! Taga saan?!" histerikal kong tanong na ikinagulat niya.
Tumawa na naman siya at mas lalo itong malakas kumpara sa tawa niya kanina tuloy nage-echo ang ito sa buong lugar.
"I didn't mean it that way. Luminara, your imagination really runs wild." tatawa-tawang sabi niya sabay mahinang katokin ang noo ko.
Sinimangutan ko siya.
"Ang ibig kong sabihin ay sa dami nang babaeng gustong maka-close ang kapatid ko ay ikaw ang pinaka swerte dahil syempre simula pagkabata ay kilala mo na siya plus nakatira pa kayo sa iisang lugar. Isa pa, maarte 'yang señorito attorney mo." napangiti naman ako sa sinabi ni señorito doc at nakaramdam ng kilig.
"Maarte?"
"Oo, let me tell you a secret. Alam mong lapitin ng mga babae ang kapatid ko, right?" tumango ako at nagsimulang mainis nang maalala ang mga babaeng panay ang pa-cute kay señorito attorney sa tuwing kaarawan niya.
Dito kasi siya nagsi-celebrate sa mansiyon. Habang patanda si señorito ko ay naga-upgrade na rin ang mga babaeng gustong lumingkis sakanya.
As if hinayaan ko sila.
"I didn't discover this side of him until his 16th birthday when you were just 12. Whenever he had a chance, he would secretly clean his hands with alcohol or wet wipes—who knows where he got them—after shaking hands with girls his age or close to it." napanganga ako.
As in? Hindi ko alam 'yon ah. Tagal na n'on.
"But he made an exception for you, which I find incredibly cute. HAHAHA." tawa niya.
"Ano? Sabihin niyo na po señorito doc, pasuspense ka naman eh."
"You."
Tinuro ko ang sarili na may pagtatakang expression.
"He looks disgusted by every girl's touch, but not with you."
Dahil sa ibinunyag ni señorito doc na sikreto ay hindi ako makatulog. Maga-alas dose na ng hatinggabi pero heto ako't gising na gising ang diwa.
Totoo kaya ang sinabi ni señorito doc? Kung oo, aba ang yabang ko na pala.
Disney princess naman pala ako, 'yong si Rapunzel. Hahaha.
Tsk. Tsk. Tsk.
Aasa na ba ako ng bonggang-bongga? Kung sa pagandahan ang labanan, naku wala silang laban sa'kin. 'Wag lang sa yaman kasi pagmamahal lang ng magulang ang meron ako.
Argh. Matulog kana Luminara kung ayaw mong magmukhang zombie, uuwi pa naman bukas si señorito mo.
"Tulaley ka?" untag ni Amelie.
"Samahan mo'ko mamaya, re-reject ko 'yong offer ng department head."
"Hindi mo pa ba alam? Baka pagsisihan mo."
"Alam ko na."
"Ah, nasabi na pala sa'yo ni señorito El. Pero sayang Lumina, it's your time to shine at para na rin makuha mo ang atensyon ni señorito Amadeu." umiling ako na ikinadismaya niya.
Buo na ang desisyon ko.
"Si señorito attorney lang ang gusto kong makakita sa katawan ko kaya 'di ako sasali." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Winning the Señorito
RomanceLuminara, the daughter of a maid and a maid herself in the grand Montelibano Mansion, has always carried a deep, unspoken love for Atty. Amadeu Valentim, the second son of her employer. Every day, she endures the pangs of jealousy as a parade of we...