CHAPTER 11

726 11 1
                                    


Ang paalam ko ay overnight pero heto kaming tatlo, kanina pa nakasunod sa kotse na kasalukuyang sinasakyan ni Valeria. 

Katunayan niyan, kahapon palang ay sinusundan na nilang dalawa ang babae pero wala silang nahita. Salon, boutique, at resto lang ang daw ang pinuntahan ng babae kasama mga kaibigan niya.

Tiningnan ko ang relo ko, maga-alas diyes na. Humihikab na rin ang dalawa. Nakasakay kami sa kotseng pagmamay-ari ng ate ni Zaiko, buti nga pinahiram kami. 

Si Amelie ang nagmamaneho, si Zaiko naman ay nasa tabi niya samantalang ako nasa likuran.

"Susundan pa rin ba natin siya? Paano kung wala pa rin tayong madiskubre?" daing ni Amelie, mahina namang tinampal ni Zaiko ang balikat niya.

"Ano ka ba? Patience is a virtue. Kahit ako man ay nakakaramdam din ng ibang vibes sa babaitang 'yan. Sundan lang natin, malay mo this time may mahita na tayo." hindi na sumagot pa si Amelie, nagfocus nalang siya sa pagsunod sa kotse.

Napahinto kami dahil huminto din ang kotse na sinusundan namin. Bumukas ang pinto at lumabas d'on si Valeria. 

May dumating na itim na sasakyan, lumabas doon 'yong ina niya, kasunod ang isang may edad na lalaki na sa palagay ko'y iyon ang ama niya. Magkasabay silang tatlo na pumasok sa hotel.

Para kaming natalo sa lotto sa lakas ng daing of disappointment namin. Inuntog-untog ko pa ang noo ko sa upuan ni Zaiko.

"Uwi na tayo." iritang sambit ni Amelie saka binuhay ang makina ng kotse.

"I agree. Your highness, give up muna tayo for tonight." sang-ayon ni Zaiko na tila gusto nang umuwi. 

Hindi na 'ko kumontra pa.

Kinaumagahan, nagulantang ako sa nakita. Ako lang yata. Si Don Olivar ay nandito sa mansiyon. Nakasalubong ko siya kanina. Binati niya pa ako.

"Magandang umaga, iha." bati niya.

"M-Magandang umaga din po, Don Olivar." gulat na bati ko.

"Mukha kang gulat?"

"H-Hindi ko po kasi alam na nandito ngayon, umalis po kasi ako kagabi."

"Saan ka naman nagtungo?"

"Sa bahay po ng kaibigan ko, nag-sleep over." tumango siya. Ngumiti siya ng konti at mahinang tinapik ang balikat ko.

"Mauna na 'ko at may mahalaga kaming pag-uusapan ng mga amo mo." hindi ako sumagot, hindi ako gumanti ng ngiti, walang reaksyon ang mukha kong nag bow sakanya.

Umalis na siya, ako naman ay nagtungo na sa kusina. Tahimik lang ako buong araw, nagsasalita lang pag kinakausap. Ipinagpasalamat ko na walang kumakausap sa 'kin kung walang koneksyon sa trabaho namin ang sasabihin. 

Alam nila, nararamdaman nilang wala ako sa mood.

Wala dito ang señorito, nasa firm, maging si señorito El ay wala din.

Nagwawalis ako ng mga tuyong dahon sa gilid ng mansiyon kung saan may nagtataasang puno, mesa, upuan, at swing. Patapos na 'ko nang makarinig ako ng mga yapak papunta sa kinaroroonan ko, agad akong nagtago habang hawak ang walis. 

Hindi ko alam bakit ako nagtago. Automatic gumalaw ang paa ko. Tumigil ang mga yapak hindi kalayuan sa punong pinagtataguan ko.

"What are we going to do now, Elowen? Matigas si Papa. Pag buo na ang plano niya ay hindi na niya 'to bubuwagin pa." sambit ni senyor na may tono nang pag-aalala ang boses.

"I don't know, Eldric. Maging ako'y hindi kayang tutulan ang sinasabi ni Papa. Maganda nga ang kalalabasan pag pinagsanib ang dalawang pamilya pero ang iniisip ko ay ang damdamin ng anak natin. Ayoko siyang pilitin sa ganitong bagay." tugon ni senyora na tunog stress.

Winning the SeñoritoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon