"Lumina, may gagawin ka pa ba pagkatapos niyan?" tanong ni ate Pilar sabay tingin sa mga pinupunasan kong kubyertos. Umiling ako.
"Pwede bang ikaw ang magbaba n'ong vase na 'yon sa basement?" aniya at tinuro ang isang antique na vase na nasa lapag.
"Bakit d'on? Bakit hindi sa taas?" takang tanong ko.
"Sige, gusto mo d'on ilagay? Ikaw bahala, ikaw naman ang magbubuhat." napangiwi ako dahil may tama ang sinabi niya.
Malaki ang antique vase at mukhang mabigat. Baka mabasag ko lang 'yan. Yari talaga ako kay mama. Mas nakakatakot pa si mama kesa sa amo namin.
Pumayag ako tutal patapos na 'ko sa ginagawa.
"Mukha pa namang okay 'yong vase, ba't ilalagay na d'on?"
"May bago kasing antique vase na dadating si senyora kaya pinapalagay na niya d'on." nagpaalam na si ate Pilar, ako nama'y binilisan ang pagpupunas hanggang sa matapos ko 'to.
Hindi naman 'to ang unang punta ko d'on pero first time kong makapasok dahil hanggang sa labas lang ako. Ayaw akong papasukin ni mama dahil baka daw may masagi ako.
Wala siyang tiwala sa 'kin. Psh.
Pagkabuhat ko sa vase ay napangiwi ako sa bigat niyang taglay. Mabuti nalang kahit papano may muscles ako kaya na-keri ko siyang buhatin hanggang sa baba.
Binaba ko muna ang vase para kunin ang susi pero napatampal nalang ako sa noo ng maalalang nakalimutang ibigay 'yon sa 'kin ni ate Pilar.
Shunga naman. Pinihit ko ang lock, nagbabakasakaling bukas ito.
Napatalon ako sa tuwa ng bumukas ito. Nilakihan ko ang pagbukas at binuhay ang mga ilaw sa loob. Binuhat kong muli ang vase.
Nagtungo ako sa section kung nasaan ang iba pang antique vase na nilagay dito. Nilapag ko ng dahan-dahan ang vase at naghanap ng tela pangtangkip. Dahil mahaba pa ang tela na nakatakip sa isang malaking vase ay ito ang ginamit kong pangtakip.
Lumabas na agad ako pagkatapos. Habang binabaybay ko ang daan patungong kusina ay nakasalubong ko si senyora.
"Lumina, great timing. Ikuha mo 'ko ng spray na may lamang tubig at gunting. After that, sumunod ka sa 'kin sa garden." tumalima agad ako sa inutos ni senyora.
Sinunod ko ang mga inutos niya, pagkatapos ay sumunod na 'ko sa kanya sa garden. Malawak ang ngiti niyang tinanggap ang spray na may lamang tubig samantalang ang gunting ay pinahawak niya muna.
Nakatayo, nakasunod lang ako kay senyora. Nagha-hum siya habang ini-spray ang mga bagong tubong bulaklak.
"How are things between you and my son, Lumina?" napatuwid ako ng tayo dahil sa biglaang tanong ni senyora.
Kaswal lang ang pagkakatanong niya na para bang normal lang ang bagay na 'yon. Ako naman ay hindi alam kung ano ang isasagot.
Ano kayang sagot ang gusto niyang marinig? Aish, bahala na.
"Ayos lang po, maganda naman ang pakikitungo sa 'kin ni señorito. Walang pinagbago. Master and servant pa rin." tugon ko at hindi ko maiwasang hindi mapakamot sa ulo ng lingunin ako ni senyora at bigyan ng disappointed look.
"Where's all that confidence you had about winning over your señorito?" taas-kilay niyang tanong.
"Senyora naman, hindi po gan'on kadali 'yon. Kung sainyo madali niyo lang nakuha ang senyor, ibahin niyo po ako. Madami ang tututol pag pinursue ko na ngayon ang anak ninyo." paliwanag ko. "At isa pa, wala pong gusto sa 'kin ang señorito."
BINABASA MO ANG
Winning the Señorito
RomanceLuminara, the daughter of a maid and a maid herself in the grand Montelibano Mansion, has always carried a deep, unspoken love for Atty. Amadeu Valentim, the second son of her employer. Every day, she endures the pangs of jealousy as a parade of we...