CHAPTER 18

497 7 2
                                    

"She's going to dance with me." wika ni Señorito habang mahinang humihingal. 

Nilahad ni Señorito Attorney ang kamay sa akin, ngumiti muna ako bago ito tinanggap. Nilingon ko si Pietro na tila nagulat sa nangyari.

"Pasensya na Pietro, si Señorito Amadeu ang naunang mag-aya sa 'king sumayaw." paghingi ko ng despensa, tipid siyang ngumiti at tumalikod na. 

Nagsimula na kaming maglakad ni Señorito papunta sa gitna. Tumigil kami kung saan wala masyadong nagsasayaw. 

Walang hiyang nilagay ang dalawang kamay sa leeg niya, gayon din ang ginawa niya, nilagay ni Señorito ang dalawang kamay sa magkabilang bewang ko at nagsimula na kaming sumayaw.

Akala ko'y magtitigan nalang kami hanggang matapos ang kanta kaya laking pasalamat ko nang nauna niyang basagin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"I'm sorry I was late." umiling ako't saka ngumiti.

"Naiintindihan ko po kung bakit hindi kayo sumipot, nasabi na sa 'kin ni Señorito El ang nangyari. Ano nga po palang balita tungkol d'on? At ayos lang po ba na nandito kayo? Hindi po ba kayo busy?" sunod-sunod kong tanong na mahinang ikinatawa ni Señorito Attorney. 

Napanguso ako. Anong nakakatawa sa tanong ko? Tumingin siya sa 'kin habang nakanguso pa rin, malapad siyang ngumiti. 

Nanlaki ang mata ko nang hawiin niya ang iilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ko at nilagay niya ito sa likod ng tenga ko. Nagsimula na namang magrambolan ang puso kong 'to.

"Saan nga ba patungo,

Nakayapak at nahihiwagaan

Ang bagyo ng tadhana ay

Dinadala ako sa init ng bisig mo"

"After this song, I'll have to say goodbye. I only have an hour break, and I used it just to be here with you." malumanay niyang tugon na lalong ikinalakas ng kabog ng dibdib ko. 

Binalik na niyang muli ang kamay sa bewang ko.

"Bakit? Bakit Señorito? Dapat hindi ka na pumunta pa dito. Dapat nilaan mo nalang 'yong isang oras na break para magpahinga ka." bakas sa boses ko ang pag-aalala. 

Shet naiiyak ako. Ba't ako naiiyak? Bakit ba niya 'to ginagawa sa 'kin? Bakit niya ako tinatrato ng ganito? Bakit niya pinaparamdam sa aking ako'y may pag-asa? 

Meron nga ba, Señorito? May aasahan ba ako?

"Because I promised, Lumina. You have my word, and I'll never break it. That's..." tumigil siya sa pagsasalita, umigting ang panga niya. 

Pinikit niya ang mata at humingang malalim. Nagtama ang mata namin nang idilat na niya ito.

"I have to go now. Sumabay ka kay El, sinabihan ko na siyang sabay kayong uuwi." mahinahon niyang usal, dahan-dahan akong tumango. 

Akala ko'y aalis na siya pero laking gulat ko nalang ng hinigpitan niya ang hawak sa bewang ko, hinila papunta sa kanya at mabilis na lumapat ang labi niya sa noo ko. Bago pa ako maka-react ay nakaalis na si Señorito Attorney. 

Nakatulala at nakanganga lang ako habang sinundan ng tingin ang likod niyang palayo nang palayo hanggang sa mawalang tuluyan.

Hinawakan ko ang parte ng noo ko kung saan humalik ang Senorito, ramdam ko pa ang mamasa at mainit niyang labi mula dito. Mabibigat ang hininga kong naglakad pabalik sa pwesto namin kanina. 

Pagkarating ko doon ay wala ng masyadong tao, tanging si Ezio at Olivia lang ang nandoon. Walang isyu sa dalawa dahil magpinsan sila.

Sabay silang dalawa na tumingin sa akin, nakakunot ang noo. Nagsalita si Olivia pero hindi ko narinig. Hindi dahil sa lakas ng tugtog kundi ako ang problema. Parang nasa ibang dimensiyon ang buong nerves ko kaya hindi nagpa-function. 

Winning the SeñoritoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon