this is an old entry
~~~~
Akala ko ba "pamilya" tayo?
Akala ko na wala makakaramdam ng
"feel ko hindi ako belong"?
Umasa ako sa sabi niyo na "important ang bawat isa"
So Bakit ganon? Ano tong pinaparamdam niyo sa akin?
Bumisita lang naman ako so bakit ganyan?
Hindi naman pagtataksil ang pagbibisita diba? Paano rin naman magiging pagtatataksil yon eh parehas lang ang simbahan natin, lugar at tao lang naman pinagkaiba.
So bakit ganon? After non, pinaramdam niyo sakin na hindi na ako belong
Oo, pinapansin niyo pa rin naman ako pero pag andun lang ako? Ano un?
Dati rati pinapaalam niyo sakin mga kaganapan niyo, mga messages na napaka haba, bigla na lang umiikli hanggang sa wala na.
Hindi sa pag o-overthink pero anong nangyari?
I always look forward tuwing linggo pero hahahaha
Bumaliktad na
Parati kong iniisip na...
"Yes! another day to worship God and to spend time with the people I actually call family"Ngayon? Di ko na alam
Ang ironic
BINABASA MO ANG
Bulaklak na Kumikislap Tuwing Gabi
PoetryAking mga lihim na bumubuhos tuwing gabi ay aking sinusulat upang magkaroon ng boses ang aking munting tinig. Mga tula, liham, at kung ano man ang mababasa ninyo rito. Hindi ako tiyak kung ano nga ba ito, sapagkat ito'y walang tiyak na anyo at sinus...