September 16, 2024
~~~~
Kay sarap muling mangarap at umasa para sa minimithing bukas na nais kong marating.
Ang aking pagbabalik sa buwan ay nagbigay muli ng munting apoy na ngayo'y nagniningning.
Nawa'y makamit ko ang pag-asa na nais kong abutin.
Nawa'y lahat ng mga pagkakataon ay kayang abutin.
Katulad ni Maximo, ako'y bumalik sa kapaitan ng realidad.
Realidad na puno ng sakit, dusa, at mga kahihinatnan.
Ang aking minimithing buwan ay isang munting panaginip,
Ka'y sarap ng panaginip na sana'y di na lang ako nagising.
BINABASA MO ANG
Bulaklak na Kumikislap Tuwing Gabi
PoezieAking mga lihim na bumubuhos tuwing gabi ay aking sinusulat upang magkaroon ng boses ang aking munting tinig. Mga tula, liham, at kung ano man ang mababasa ninyo rito. Hindi ako tiyak kung ano nga ba ito, sapagkat ito'y walang tiyak na anyo at sinus...