Saksak

7 0 0
                                    

August 27, 2024

~~~~

Ang mga salita mo na dati'y nagbibigay ng liwanag

Ay unti-unting nawawalan ng saysay, at ang puso ko'y ayaw nang tumanggap

Mahal kita, oo, iyan ang malinaw sa akin na hinding-hindi mababago

Ngunit di ko na alam kung gusto pa ng puso ko'y muling magago

Kada oras na pumapatak sa bawat saglit ako'y mag-isa,

ay ang mga sandali na nababawasan ang aking pag-asa

Marahil ayaw ko nang masaktan ang isang taong mahal sa akin

Na parati na lang nasasaktan sa sabi niya nang kaya niyang tiisin

Ah, may patak ng luha, siya'y umiiyak
Nasaksak ka ata ng mga salita ko, ako'y natitiyak

Tahan na, aking minamahal,
May ibang tao mas karapat-dapat sa iyong pagmamahal

Bulaklak na Kumikislap Tuwing GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon