Hindi ko na alam

5 0 0
                                    

August 29, 2024

song inspo: Hindi Ko Na Alam by Matthew Chang

~~~~

Hindi ko na alam ang iyong tunay na nais.
Gusto mo pa ba itong ipagpatuloy o gusto mo na ba akong umalis?

Sabi mo na tila may pag-asa pa siguro ang ating pag-ibig,
Pero nakikita ko na unti-unting nawawala ang iyong gana tuwing naririnig ko ang iyong bukang-bibig.

Alam kong ika'y nalilito at nasasaktan dahil sa gulong ito,
Pero ano nga ba ang dapat kong gawin sa ating sitwasyon na ito?

Gusto mo na ika'y patuloy ko pa ring kausapin,
Ngunit di natin maalis ang pag-aalinlangan; baka... di mo ito napapansin.

Marahil ba'y dahil di ko ito sinasabi?
Siguro nga, pero paano ko ba naman ito sasagutin?

"Ah... wag na lang," "sa susunod na lamang,"
Pero alam natin na pag tumagal ay mas lalong lalala.

Kung ang nais mo'y ako'y umalis,
Maaari mo naman itong sabihin at susundin ko ito, walang labis.

Huwag mo na sanang isipin ang kapakanan ko,
Dahil kailangan mo nang iprioridad ang sarili mo.

Sa mga susunod na araw, sana'y alam mo na ang dapat gawin,
Para ito (pati ako) ay matapos din.

Bulaklak na Kumikislap Tuwing GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon