September 17, 2024
~~~~
Oo, nakakapagod ang magdala ng maskara,
Ngunit mula pagkabata, ito ang aral na aking dala-dala.
Kahit subukan kong bitawan, kahit saglit,
Para bang likas ang pagtakip, di mawaglit.
May iba’t ibang maskara, iba’t ibang anyo,
Bahagi pa rin sila ng aking pagkatao.
Kaya’t di dapat mangamba
sa aking pagtatago,Sapagkat proteksiyon ito, sa sarili ko’y pagsuyo.
Naniniwala ako, balang araw,
ang maskarang ito’y maglalaho, iyon ang aking naaaninaw.
At sa aking pag-usbong, sa tamang sandali,
Ang mga isinusuot kong mukha, ang tunay kong pagkatao ay magpapakilala muli.
BINABASA MO ANG
Bulaklak na Kumikislap Tuwing Gabi
PoetryAking mga lihim na bumubuhos tuwing gabi ay aking sinusulat upang magkaroon ng boses ang aking munting tinig. Mga tula, liham, at kung ano man ang mababasa ninyo rito. Hindi ako tiyak kung ano nga ba ito, sapagkat ito'y walang tiyak na anyo at sinus...