Dilim

6 0 0
                                    

August 26, 2024

song inspo: Tulog Na by Sabu

~~~~

Ako'y muling mag-isa sa dilim at iniisip kung ano nga ba ang dapat kong gawin.

Marahil ito'y dahil hindi na alam ng puso ko kung paano umibig.

Hindi pa siya handa noong ika'y dumating, ngunit ginising mo siya gamit ang iyong mabulaklak na bukang-bibig.

Mga salita mo'y dumating sa aking dibdib,
at di makapaniwala na napakatamis ng iyong pag-ibig.

Bawat salita'y biglang bumigay ng liwanag kay silaw,

na parang isang yakap na sumasalubong at hinding-hindi bibitaw.

Walang may gusto at walang humihiling,
pero nais ko lang naman alamin,
bakit nga ba ako naroon sa dilim?

Marahil dahil sa huling relasyon na tuloy pa ring wumawasak sa aking tinig,

O kaya naman dahil di ako tulad ng iba na malapit nang makamit ang diplomang aming hinihiling.

Maraming mga possibilidad kaya hindi ako sigurado kung paano ako napadpad sa dilim, sapagkat binuhos ko na ang lahat pero kulang pa rin.

Hindi rin nagtagal at biglang lumalaho ang iyong munting liwanag.
Hindi ko man ito nababanggit, ngunit alam ko na ito'y paparating.
Madali ko namang mapansin dahil unti-unti nanaman ako tinatawag ng dilim.

Napakasakit isipin na ang ating mga pangarap ay hindi ko na makakamit,
dahil nais mong sirain ang pangakong ikaw ang nagpupumilit.

Sampung araw pa lamang ang nakalipas, pero siguro nga kailangan na ng puso ko'y patulugin.

Nais mo rin namang makalaya sa akin, na tuloy mo pa ring "kayang tiisin."

Nawa'y sa susunod, handa na ang aking sarili na iyong mahalin,

hangga't di pa ako kinukuha ng dilim.

Bulaklak na Kumikislap Tuwing GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon