2

9 1 0
                                    

#Alabug

Sakay ng Revo nila Sir Hector, ang ama ni Wax na kaibigan din namin, pumunta kami sa liblib na bayan ng Alabug. Kung nasaan ang event nila Jaden.

Pagdating namin doon ay agad kaming inasikaso. Nakakatuwa kasi may breakfast na doon pagdating namin. Sakto! Kasi gutom na rin naman ang mga alaga ko sa bituka.

Kasama namin ni Blaze ang ibang mga kaibigan namin. Si Tobby, Shantelle, Kisses at Jaimey. And Blaze's family. Nasa dulong mesa ako kung saan nakaserve ang mga pagkain when Blaze put his arms on my shoulder saka bumulong sa akin. Naestatwa yata ako. Badtrip kasing Blaze! Nagulat ako! Akala ko kung sino na!

"You scared me!" I hissed but he just laughed.

"Have you seen Jaden na?" Tanong nito. Wala sa himig ang nang-aasar or what pero tumingin pa rin ako sa mukha niya. His eyes. I want to see Blaze's eyes! Mas nagsasabi raw  na ang mga mata ang nagpapakita ng totoong nararamdaman.
And when I saw his eyes, nakita ko na naman ang mapag-asar na kinang ng mga iyon.

"Stop it Blaze." Saway ko.

"Why? I just asked kung nakita mo na siya." Patay malisyang sagot niya sa akin.

"Well, not yet. Kumakain pa ako dito, nakita mo naman."

"Sungit ni Ate Kei..." Napapakamot sa ulong lumayo ito sa akin at kinausap ang kambal na kapatid ni Jaden.

"Ah, si kuya? Nandiyan sa loob. Nagbibihis pa lang." Narinig kong sabi ni Febie. Ang isa sa kambal. Napairap na lang ako. Sigurado akong tinanong ni Blaze kung nasaan si Jaden.

"May naghahanap kasi sa kanya." Narinig kong sabi ni Blaze sabay sulyap sa akin. Saktong napasulyap din ako dahil sa sinabi niya. Ang walanghiya! Pinagtaasan ko siya ng kilay saka ko inirapan ulit. Nakakainis kasi! Ipapahamak pa yata ako!

"Oh, nandiyan na pala si Kuya Jaden." Sabi naman ni Jessie. Ang kambal ni Febie.

"Hi there! Oh Blaze! Nandito na pala kayo! Who's with you?" Nakangiting salubong ni Jaden sa tatlong nag-uusap. Ako naman ay nagconcentrate na lang sa pagkain ko. Habang ang ilang batang kasama ko ay nagpunta doon kay Jaden.

"Hi kuya Jaden!" Narinig kong bati nila isa-isa.

"Hi guys!" Si Jaden iyon. Ngiting-ngiti pa rin. Mayamaya ay bigla akong nakaramdam ng tawag ng kalikasan. Shocks! Dito pa man din sa estrangherong lugar. Tumayo ako at nagtungo sa isa sa mga C.R doon. I was glad na wala ni isa sa kanila ang nakapansin sa akin. Pagdating ko sa malinis nilang C.R, ibinuhos ko lahat ng "sama ng loob" ko doon.

After a while, nang sa wakas ay guminhawa ang tiyan ko, lumabas na rin ako. Nakasalubong ko si Shantelle, Kisses at Jaimey.

"Ate Kei! Kanina ka pa namin hinahanap! Saan ka ba galing?" Tanong ni Kisses. Siya ang unang nakapansin sa akin. Nagbihis na rin kasi ako ng dress.

"C.R lang. Sumama timpla ng tiyan ko eh." Sagot ko saka naglakad na papunta sa room kung saan kami naka-in house.

"Sus! Nakita mo lang si Kuya Jaden eh!" Kantiyaw ni Shantelle sa akin.

"Tss. Tigilan niyo ako ah."

"Ang ganda kaya ng mga mata ni Kuya Jaden! Brown!" Manghang-mangha na sabi naman ni Jaimey. Itong babaeng ito, parang ngayon lang nakakita ng lalaking brown ang kulay ng mata. Hay naku!

"Oo nga. Ang guwapo ni Kuya Jaden! Artistahin ang face!" Sang-ayon ni Shantelle. Habang si Kisses sa tabi ko ay napapangiti na lang.

"Girls..." bulong ni Kisses pero nakangiti pa rin. What is wrong with her?

A Lifetime With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon