9

10 0 0
                                    

#TheGift

"Blaze! Hindi ba tayo uuwi?" Habol ko kay Blaze. Ang bilis niya kasing maglakad eh! Hindi man lang niya inisip na maliit lang ang hakbang ko!

"Blaze!" Naiinis ko nang sigaw. At hayun ang hinayupak, ngumisi lang sa akin at lalo pang binilisan.

Haaay! Ngali-ngali kong batuhin ng sapatos to eh! Kuuu! Kakagigil!

Tinakbo ko ang distansiya namin at hingal na hingal akong hinampas ang braso niya.

"Bagalan mo ngang maglakad! Pagod na ako sa kakahabol sa iyo!" Inis na sigaw ko sa kanya. Huminto naman siya saglit at lumingon sa akin. He is flashing me again his widest grin ever! Sarap salpakan ng bimpo!

"Hindi mo naman ako kailangang habulin eh. Sa iyo naman ako." Nagniningning ang mga matang banat ni Blaze. And my heart just went crazy. Sa sobrang baliw, hindi ko na maintindihan ang takbo.

"Tss! Kainis ka!" Singhal ko na lang saka ko siya nilagpasan. Nakakainis naman kasi talaga siya. Bakit niya ako binabanatan ng mga ganung ka-cornyhan? Binilisan ko lalo ang paglalakad ko. Actually, jogging yata yung ginawa ko eh. Kasi naman hinihingal na naman ako.  Hindi ko nililingon si Blaze. Hindi ko rin tinatanong sa kanya kung saan ba niya ako balak dalhin. Basta nauna na ako at tinatahak ko ang daan pauwi sa amin.

Mayamaya pa ay naramdaman ko ang pag-akbay ng kung sino. I felt the familiar sensation of his warm skin. Pinalis ko agad ang kamay ni Blaze na nasa balikat ko. Tss. Aakbay-akbay pa ang isang to. Dagukan ko kaya? Hindi ba niya alam na may kung anong kababalaghang nangyayari sa sistema ko kapag ganon? Well, hindi talaga niya alam. At never kong ipapaalam. Kaya magtiis siya sa pagtataray ko.

"Wag mo akong inaakbayan." Seryosong sabi ko. Hindi pa rin tumitingin sa kanya.

"Ang bilis mo kasi eh!" Sabi naman niya. Kahit di ko siya tingnan, alam ko nakangisi na naman siya sa akin ng malaki.

"Ang bilis mong makapasok sa puso ko." He added and then he chuckled. My heart beats faster! Ugh! Gusto kong sabunutan ang lalaking to! Wala ng ginawa kundi bumanat! Kanina pa siya ah! Kinikilig na ako dito, tapos tatatawanan lang ako? Hayup.

Tinakbuhan ko na siya. Kasi naman, hindi na tumitigil ang puso ko sa pag-tumbling! At ang walangyang yon at mga banat niya ang dahilan!

"Seriously, you don't need to run like that."

Uy, english iyon Blaze ah? But seriously din ha? Naabutan pa rin niya ako?

"Tss. Para naman ma-experience mong habulin ako." Mahinang sabi ko. Akala ko sa sobrang hina non ay hindi niya narinig. Pero mali ako...

"Hindi ako magsasawang habulin ka. Kaya sige lang, bilisan mo lang." Bulong niya sa punong tainga ko. Sa gulat ko ay nahampas ko ulit siya sa braso. Pero ang mokong, tumawa lang ulit! Haaay! Blaze! Wag mong iparinig sa akin ang tawa mo! Napepeste ako!

"Ang bagal bagal mo." Sita ko sa kanya nang makaabot kami sa China Bank. Isang kanto na lang at nasa bahay na kami.

"Huh?"

"Ang bagal mong pulutin ang puso ko."

Huwaaaat?

Waaa! Dem. Saan ko napulot iyon??

Napatigil siya sa paglalakad at napatingin sa akin. Laglag ang panga.

"Akala mo ikaw lang marunong bumanat ah!" Tumatawang sabi ko na lang. He rolled his eyes on me after I said that. Siya naman ngayon ang umiirap irap sa akin! Hahaha! Naka-isa din ako!

Belat mo Blaze!

***

"Nasan na yung gift mo sa akin?" Tanong ko habang nagmimirienda kami sa sala namin. Gusto kong kumain ng ice cream kanina kaya heto, nilalantakan namin ang kalahating gallon ng Selecta Double Dutch. Of course, libre ko. Ako daw kasi ang may birthday eh. Sabi ng mokong na katabi ko.

A Lifetime With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon