Prologue

29 1 0
                                    

Nakasakay ako sa tricycle papunta sa hospital kung saan ako nagtatrabaho. Mula sa bahay, madadaanan ko ang dalawang malalaking bangko; ang pinakalumang park ng Roxas kung saan everyday akong nagjojogging; ang munisipyo ng bayan namin na animo white house ang dating dahil bukod sa pintura nitong puti ay punung- puno din ito ng CCTV camera at may magandang landscape na paboritong tambayan ng mga asong askal. Katapat non ay ang bagong children's park na madaming slides, swings, at mga bars na ang gate naman ay nasasabitan ng iba't ibang tarpaulin animo binabandera sa lahat ang pagkapasa nila sa mga licensure exams. At dahil malapit ng fiesta, merong mga baratilyo at perya. Kaya natural lang na madaming taong naglalakad sa kahabaan ng poblacion. Isa pa, ngayong araw ay medyo makulimlim ang panahon. Tamang-tama lang na maglakad para sa mga takot mainitan ng bongga.

Pero bakit ganon? Sa kabila ng madaming tao, sa kabila ng mga naglalakihang tarpaulin na nakasabit, at sa kabila ng mabilis na pagpapatakbo ni kuyang driver, nahagip pa rin siya ng mata ko.
Si M.J. ang ex boyfriend ko.

Sa loob ng halos anim na taon, ngayon ko lang siya ulit nakita. Ito ang unang araw na nakita ko siya pagkatapos niyang sabihin sa akin na may iba na siyang mahal. First time ko siyang makita ngayon after all these years. After he broke my heart. At hindi ko maintindihan kung bakit nagawa ko pang ngumiti nang makita ko siya sa kabila ng mga nangyari noong kami pa. Lahat nga yata ng katangahan ay nasalo ko na mula noong pinili ko siyang mahalin. Kasi nagsinungaling din naman pala siya sa akin. He cheated on me din. At akala ko, forever akong magiging bitter sa ginawa niya. Pero kanina...iba!

Hindi ako galit nang makita ko siya. Hindi rin naman ako na-excite although napangiti ako. It's as if I have seen a long lost friend. Iyon ang naramdaman ko. Wala na ang dating epekto niya sa akin. Hindi na bumibilis ang tibok ng puso ko noong nakita ko siya. I saw him with another woman. Siguro antie niya yun.

Finally I could say that I had moved on. I'm happy that I saw him kahit hindi niya ako nakita. I dunno but iyon yata ang hinihintay ko para malaman ko kung talagang naka-move on na ako. Ang makita ko siya ulit.

Isa lang naman ang taong laging gumugulo sa isip ko ngayon. Si Blaze. He let me feel special. Siya iyong lalaking nandiyan para makinig sa mga sentimiyento ko sa buhay. He never judged me. He always had something to say to me whenever I have struggles. Siya iyong taong sa kabila ng madaming magagandang babaeng nakapaligid sa kanya, ako pa rin ang pinili niyang mahalin. Even though hindi ako deserving para sa puso niyang pure. Ako pa rin ang minahal niya. Pakiramdam ko tuloy ang haba ng hair ko! Napapangiti tuloy ako! Pero nalulungkot din kasi namimiss ko siya. If only Blaze would be here then I could hug him and tell him how much he means to me. Na siya ang matimbang sa puso ko after God and my family. And he is the only man I want to be with for the rest of my life gaano man kaiksi ang magiging buhay ko.

This is the first day of many years na aaminin kong ang puso ko ay nabihag ng isang mas bata ang edad kaysa sa akin, perhaps even before the day that we get closer...

--------000--------000--------000--

This is a work of fiction. Names, characters, places and events are merely products of the author's imagination. Any similarity to actual persons and events are purely accidental.

Please do not dispense, publish or modify the contents of this story in any way without the author's consent.

Thank you!

A Lifetime With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon