1

17 1 0
                                    

#BlazeAndI...

We started as friends. Blaze actually called me "ate". Sa simula, okay lang sa akin iyon. Kasi nga, mas matanda naman ako sa kanya ng tatlong taon. Saka iba ang crush ko noon eh. Si Mario Maurer pa lang. Siya din naman, may ibang gusto.

Si Blaze at ako...

Hindi naman kami superclose. We got really closer noong "nagkagusto" siya sa isang girl at hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.

Hindi ko alam kung bakit ako ang nilapitan niya noon para kumuha ng payo. Ako na halos anim na taon ng walang lovelife! Samantalang marami pa kaming common friends na pwedeng mag-advice sa kanya. Because honestly that time, ang payo ko lang lagi sa kanya ay ito:

"Bata ka pa. Don't take it seriously. Aral ka muna. Spur of the moment lang iyan. Mawawala din yang nararamdaman mo for her."

Oh di ba? Super mega Ate lang ang advice ko!

Hanggang sa tumagal-tagal na lagi kaming nagkukuwentuhan, may mga secrets kaming naisheshare sa bawat isa na hindi namin masabi sa iba naming friends. Hanggang sa nagpapa-ampon siya sa bahay at sa bahay ng mga pinsan ko para lang magkakuwentuhan kami.

Hanggang sa isang araw, hindi na siya yung batang Blaze para sa akin. Isang araw nagising na lang ako na ibang Blaze na ang nakikita ko. That I look at him as a man. Not as a kid anymore. Not as an ordinary friend either. Kung maka-kid naman ako parang 15 years ang agwat namin samantalang three years lang. Nonetheless, bata pa rin siya sa akin.

Isang araw nagising ako na mahal ko na siya, in a romantic way. Siyempre, in denial ako. Hindi ko matanggap. Mas bata siya sa akin. I can't like him. Pero habang tumatagal, mas lalo kong napapatunayan ang katotohanan sa nararamdaman ko sa kanya. Kaya na-shock ako ng husto. I really tried hard to stop loving him in a different way... pero wala eh. Sinakop na niya ang puso at isip ko.

I still remember how a single conversation made my heart jumped for the first time after it was broken.

Hanggang ngayon naaalala ko paano kami nagsimula...

So,

This is me, Keira Janelle Turalba, sharing my story with Blaze Joshua Sandejas.

This is how it started...

---000---

Katatapos ng big event namin sa aming church. Of course, kainan ang next. So here I am, holding my plate with spaghetti and garlic bread on it. Naghahanap ng mauupuan. And then a voice came behind me.

"Ate Kei, dito tayo." Sabi ng boses sa akin. Nilingon ko iyon. That was Blaze with his black coat in this blazing heat. Ipinaghila niya ako ng upuan.

"Dito ka." Aniya pagkatapos hilain ang upuan. Pigil akong napangiti. Thoughtful din pala ang isang ito, sa isip-isip ko.

"Salamat, Blaze." Sabi ko na lang saka umupo na sa upuang inilaan niya para sa akin.

Sa gitna ng pagkain ko, bigla akong tinanong ni Blaze. Ewan ko sa batang ito bakit ako kinakausap ngayon. He's not like this before. He never starts a conversation with me. Not until now.

"Ate Kei, sinong crush mo?" Tanong ni Blaze sa akin. Nagulat talaga ako. Hindi ko lang masyadong ipinahalata. Why is he interested now? This kid is even smiling and I don't know why. Pagkatapos ay napatingin siya sa katabing mesa namin. I followed his gaze and saw Jaden. Ang gwapong member from the other church. Pagkatapos niyang tingnan si Jaden ay tumingin ulit siya sa akin. Nakangiti. Nang-aasar.

"Ano na? Sinong crush mo? Si Jaden no?" Nakangisi na siya ngayon. I rolled my eyes.

"Hindi no. Si Mario." Sagot ko sabay yuko para tusukin ang garlic bread ng tinidor na gamit ko at isinubo iyon after.

A Lifetime With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon