10

15 0 0
                                    

#BeCareful

Nagising ako na parang may mabigat na nakadagan sa tiyan ko. Kinapa ko ang mabigat na bagay na iyon. Isang braso ang nakapa ko. Tss. Kahit kailan tung Kisses na to, ang bigat ng braso. Sisitahin ko sana kaso inaantok pa ako. Madaling araw na kami nakatulog ng mga pinsan ko kasama si Blaze dahil nanod pa kami ng The Conjuring. O di ba, horror movie sa birthday ko? Sa totoo lang, nauna pa akong nakatulog kaysa sa mga bongoiloids kong kasama kaya ewan ko paano nila pinagkasya sarili nila dito sa silid ko. Standing ovation siguro. Nyahaha!

Pumihit ako paharap kay Kisses at niyakap ko na rin ang pinsan ko. Ganito kaming dalawa pag magkasama kaming natutulog. Magkayakap talaga kami ng pinsan ko. Ako daw ang mommy niya at baby ko siya. O di ba? Sobrang pinapatanda niya ako? Hmm. Ang bango ng hininga ni Kisses ngayon ha? Hehehe. Sarap tuloy matulog.

Pero dahil masyado na akong nabibigatan, iniangat ko ang braso niya at tinanggal iyon mula sa pagkakadagan sa akin. Whew! Medyo nakahinga ako ng maluwag nang maiangat ko iyon at mailipat sa gilid niya. Pero wala pang 3 seconds nandun na naman ang makulit na braso ni Kisses! Tsk. Paano ako makakatulog ulit neto?!

"Kiss..." tawag ko sa pinsan ko. Nakapikit pa rin ako. Tinatamad akong idilat yung mata ko at baka tuluyang magising ang diwa ko. Plano ko kasing matulog ng matulog dahil day off ko naman the next day.

"Yung braso mo, mabigat..." mahinang bulong ko kay Kisses pero tulog na tulog yata ang bata at ni hindi man lang gumalaw. Ay wait, gumalaw pala ang walangya kong pinsan. Gumalaw siya para lalo akong daganan! Pisti! Idinantay niya sa mga balakang ko ang mabigat niyang binti. Daheck! Halos mapaigik ako sa bigat. Kababoy talaga ng Kisses na to. Dapat dinadiet to eh!

"Kiss!" Naiinis ko ng sabi sabay hawak sa mabalahibong binti na iyon at walang pagaalinlangan kong itinulak paalis sa balakang ko.

Wit lang, did I say mabalahibo? Hindi naman mabalbon si Kisses ah?

"Be careful what you wish for."  Anang isang boses sa tabi ko. Ah no. Sa harap ko pala. Doon ako tuluyang napadilat. Halos mamura ko ang taong nasa harapan ko ngayon sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin! Mabuti na lang naalala kong hindi pa nga pala ako nagtutoothbrush kaya itinikom ko na lang ang bibig ko. Agad kong tinanggal ang mabigat niyang hita na nakadantay sa akin. Eww! Kaya pala mabalbon! Hindi pala si Kisses ang nasa harapan ko kundi si Blaze!

Paksiw naman oo!

Sumilay ang nakakalokong ngisi sa mga labi niya bago niya tuluyang inalis ang braso niya na nakayakap sa akin. Tumayo siya at pumasok sa CR ng kwarto ko. I was left there, my mouth hanging open.

Nakalabas na sa CR si Blaze at lahat, nanatili akong nakatitig lang sa kisame. I can't believe this! Hindi ako makapaniwalang magkatabi ngayon dito sa kwarto ko! At...at... nayakap niya ako. Tapos di ba niyakap ko din siya kanina kasi nga akala ko siya si Kisses?! Waaaa! Earth! Swallow me!

"Matulog ka na ulit." Utos ni Blaze sa akin. Patagilid ko siyang tiningnan. His eyes were shut close. Napakalmadong tingnan ni Blaze habang nakapikit ito at ang isang braso nito ay tumatakip sa kanyang mga mata. Aist! Nakakainis! Bakit siya, kalmado? Samantalang ako, hindi ko magawang kumalma!

Pabaling-baling ako sa higaan ko after few minutes. Hindi na kasi ako inaantok eh! Hindi na ulit ako sinita ni Blaze. Malamang tulog na ang mokong. Napaharap tuloy ako sa kanya at tumambad sa aking mga mata ang mapupulang labi niya. Red as a cherry.

Ugh! Bakit dinedescribe ko ang lips ng batang to?! Tss! Pwede ba Kei, tumigil ka!

Makatulog na nga!

Tinalikuran ko na ulit si Blaze. Pinilit kong ipikit ang mga mata ko. And as I was about to catch my sleep, bigla namang nagsalita tung gunggong na katabi ko.

A Lifetime With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon