#Banat
"Hmmmm.." Napaungol ako sabay kunot noo. Tiningnan ko ang orasan ko. It's 11:59 p.m already. Tiningnan ko din ang nagiingay na cellphone ko. Who could have been calling me at this time of the night? Panira naman ng tulog!
Ayoko sanang sagutin dahil inaantok pa ako pero makulit ang caller at walang hintong tumatawag. Naghihikab na sinagot ko na ang tawag without looking at the caller ID. Hindi naman siguro ito emergency call ano? Haaay. Sana hindi talaga.
"Hello?" Inaantok na bungad ko kasabay ng aking paghikab.
I heard a voice chuckled on the other line.
Tss. Pagtatawanan pala ako, sana di ko na sinagot!
Susungitan ko na sana ang kausap ko pero naunahan niya akong magsalita.
"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthdaaaay to youuuu!"
Pagkanta ni Blaze. Oh! Right! Si Blaze na naman ang umistorbo sa akin. Wala na talaga siyang ibang hilig gawin kundi istorbohin ako sa aking pagtulog! Saka anong birthday ang pinagsasasabi nito? Birthday ko na ba? Bukas pa ah? I knotted my forehead as if he can see me. But I smiled. Nakita ko kasi sa wall clock ko na 12:01 na pala ng madaling araw. So it means, birthday ko na nga! Yey! Tumanda na naman ako!
In fairness ha, siya unang bumati sa akin. Well, well, well....
"Naalala mo pala?" Sabi ko sabay tawa.
Kinikilig kasi ako na siya unang bumati sa akin, pinagtatakpan ko na lang sa pamamagitan ng pagtawa. Para hindi naman ako masyadong mailang at baka mautal-utal pa ako.
"Oo naman! Basta ikaw!" Hirit naman niya.
"Thanks Blaze. Pero mas maganda ang pagbati mo pag may kasamang regalo!" Biro ko sa kanya.
"Tse! Hindi to makapaghintay! Nagmamadali ka naman masyado, hintayin mo ako mamaya sa clinic mo. Dadalhin ko yung gift ko sa iyo. Don't worry manang!"
Aba! Sinong tinawag niyang manang?! Loko to ah!
"O sige totoy, hihintayin kita mamaya." Ganti ko naman.
"Sinong totoy?!" Singhal ni Blaze sa akin. Tumawa lang ako.
"Hoy Ate Kei, hindi ako totoy ah! Mas matanda pa nga akong tingnan kaysa sa iyo eh!" Sabi pa ulit niya.
"Hahaha! Tinawag mo kasi akong manang eh!"
"Hahaha! Tumanda ka na naman kasi!" Pang-aasar pa niya.
Napa-pout tuloy ang mga labi ko.
"Are you pouting at me?" He asked and then he laughed again.
Teka, paano niya naman nalaman na nagpout ako?
"Hindi ah!" Pagdedeny ko naman.
"Denial queen ka talaga. O sige na, abangan mo ang pagdating ko sa clinic mo mamaya ha? Goodnight! Tulog na tayo. Binati lang kita. Sige na, tulog na tayo."
"Wait, may knock knock ako! Knock! Knock!" Biglang sabi ko. Ewan ko kung anong pumasok sa isipan ko at sa kanya ko pa gustong i-try ang naisip kong knock knock! Hay! Baliw na nga siguro ako no?
"Who's there?" Tanong niya naman. At sumakay talaga siya sa kabaliwan ko!
"Coca cola." Sagot ko. Nangingiti.
"Coca cola who?"
"Coca cola na sana ang iyong minahal, di ka na muling mag-iisa. Coca cola na sana ang iyong minahal, di ka na muling luluha pa..." tumatawang pagkanta ko. Samantalang si Blaze ay hindi ko alam kung nandiyan pa. Bigla kasing tumahimik. Tumatawa lang siya kanina eh...
