#Empanada
"Ate Kei..."
"Ssshh." Saway ko kay Blaze na bumubulong-bulong sa tabi ko. Dito kasi sa movie room nila Kisses kami natulog. Ewan ko ba sa mga bongoloids kong kasama. Mas gusto nila dito para daw sama-sama kami imbes na sa guest room. Mabuti sana kung sila ang katabi ni Blaze, kaso hindi naman. Ako! Ako ang katabi ng magulong si Blaze. Ayaw magpatulog. Nangungulit. Si Kisses alam kong kanina pa bagsak iyan dahil sa puyat niya. Exams kasi nila last Wednesday and Thursday kaya talagang nagpuyat ang bata.
"Tulog ka na ba?" Tanong pa nito. In a whispering manner. Naiinis na napakamot ako sa noo ko. Kung sasagutin ko ang tanong niya, malamang magsisinungaling ako sa isasagot ko. Kung hindi ko sasagutin, alam kong di siya titigil. Haaay!
"Matulog ka na Blaze. It's 12 midnight." Bulong ko pabalik.
"Hindi pa ako inaantok eh. Antok ka na ba?" Paanas ulit na bulong niya.
Ramdam ko ang paglapit niya sa akin. Siyeett! Paano ako makakatulog nito? Paano ako aantukin kung nanginginig ako sa magkahalong kilig at kaba?!
"Kwentuhan muna tayo..."
Hindi ko na kaya. Humarap na ako sa kanya para sana pagalitan pero walang nangyari sa panenermon ko sana. Literal na napaatras ang mukha ko dahil sobrang lapit na pala niya. Nakapikit siya kaya hindi niya nakita ang pagkagulat ko. And when he opened his eyes, ako naman ang bigla na lang napapikit. Baka kasi sabihin niya tinititigan ko siya. Nakakahiya!
And there was a long silence. Siguro hindi na siya nagsalita dahil inakala niyang tulog na ako. Sobra kasi ang focus ko para manatili akong nakapikit.
"Sorry ha, ang kulit ko, inaantok ka na yata. Hmm. Goodnight Ate Kei." Narinig kong sabi niya pagkatapos ay naramdaman ko ang magaspang niyang kamay na humaplos sa chubby cheeks ko.
Gosh! Kailan ba matatapos ang pagririgodon ng puso ko?
Napadilat ulit ako nang mawala na ang mga kamay na iyon. Nakapikit na rin si Blaze. Nakaharap pa rin siya sa akin. He was so cute! Hindi ko alam kung gaano ko siya katagal na tinitigan. Ang alam ko lang nadala ako sa paninitig ko sa gwapo niyang mukha kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Inangat ko ang kamay ko at hinaplos ang makinis niyang noo. My little fingers outlined his face. Mula sa mga mata niyang nakapikit, sa matangos niyang ilong... I smiled. Ito ang mukhang hindi ko yata pagsasawaang tingnan ng palihim.
And then my fingers ran down to his lips na kasingpula ng mansanas. I shivered when I touched his lips kaya agad ko ng itinigil ang paghaplos sa mukha niya.
Dmn. What's really happening?
Inihinto ko na rin ang pagtitig kay Blaze. Baka maubos na siya sa titig ko eh, mahirap na. I finally closed my eyes when he smiled. Yes he smiled! Pero nakapikit pa rin siya. Malamang nananaginip na siya. Tss. Dapat ako din managinip na.
Tama na nga.
***
It was another ordinary Saturday for me. Isang Sabado na puro pasyente na naman ang nakakausap ko. Ganitong araw kasi usually ang free time ng mga tao kaya Saturday din ako madaming pasyente. Katatapos ko lang sa dalawa kong naka-schedule na pasyente sa 2d echo. Katatapos ko lang din gawin ang initial reports when someone knocked at my door.
"Please, sana hindi pasyente. I'm tired." Nausal ko. Ngawit na ngawit na kasi talaga ang braso ko.
I lazily opened the door. At wala sa sariling napasinghap ako. Because there he stood.
"Blaze!" Medyo gulantang ako. Ano na namang ginagawa niya dito?
"Hi! Can I come in?" Malapad ang ngisi na tanong niya sa akin.