11

6 0 0
                                    


#Barbie

After that morning, kung saan biglang sinabi sa akin ni Blaze ang mga katagang "Be careful when you fall Ate Kei." With his ever serious tone of voice and with his ever serious face, napaisip ako ng todo.

Ano kayang ibig niyang sabihin doon? Nahulog na nga ako, bakit pa ako mag-iingat? Mag-iingat ako sa semento? Hay! Pero parang may iba pa siyang ibig sabihin dun eh! Feel ko lang...

Anyway, it had been nearly two weeks after that post birthday party incident sa bahay. Hindi ko na nga dapat iniisip iyon. Pati si Blaze, hindi ko na rin dapat iniisip. Almost fourteen days na rin siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Ni ha ni ho, wala. Simpleng morning at nyt, wala din. Kaya bakit ko pa siya iisipin di ba? Hay naku! Madami pang mas importanteng bagay ang dapat na iniisip ko. Tulad na lang nitong waist line kong hindi ko mapigil sa paglapad. Grr!

Bakit ba hindi ako pumayat-payat?! Kaunti na nga lang ang kinakain ko eh! Kainis. Tumaba na naman ako! Paano ko nalaman? Heto kasi ako, problema ko na naman ang white uniform ko. Hindi kasya ang pants! Oh em gee! Wala pa man din yung ibang scrub suit ko! Lagot na.

I inhaled sharply saka mabilisan kong ibinutones ang pantalon ko. When I exhaled, kitang-kita ko na halos pumutok na ang aking uniform. Walangya naman tong uniform na to. Di pa makisama! I'm running late for my work tapos heto?!

Pinilit kong huminga ng maayos at matiwasay habang nakabutones pa ang white slacks ko. Pero wala eh. I tried my best but I guess my best wasn't good enough. I have to let go...

Siyeeettt! Pang hugot naman iyon! Hahaha! But seriously, I need to let go of this uniform dahil ito ang ikakasira ng dignidad ko sa ospital kung saan ako nagtatrabaho. Baka biglang mawarak ang butones at zipper, mahubaran pa ako, mahirap na no!

Hindi ko na talaga kaya!

I unbuttoned my pants as I heaved a long sigh.

Saktong pagbaba ko ng pants ko ay narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto.

"Ma! Nasaan yung maong kong pants? Hindi na kasya tung white pants ko." Sabi ko kay Mama sabay hagis ng lecheng pants na to palabas ng dressing room ko. Oo, may mini dressing room ako sa loob ng kwarto ko. Gumawa lang ako ng partition doon na puting tela. Nasa loob nun ang full size mirror ko. Natuto na kasi ako. Dahil wala naman akong sariling banyo sa loob, minsan bigla na lang bubulaga ang magagaling kong pinsan sa silid ko habang nagbibihis ako. Nakakawala kaya ng dignidad iyong ganun! Kaya para safe, naglagay na ako ng maliit na dressing room. Designed by me, of course!

Napakamot ako sa ulo. Si Mama talaga hindi man lang sumagot! Medyo bingi na kasi siya. Alam na, pag tumatanda...

"Ma, nasan yung maong na pants ko?" Tanong ko ulit sabay hawi ng kurtina to the fullest.

And my eyes went wider. Kasing laki ng mga matang nakatingin sa akin ngayon!

Dahell.

Agad kong hinawi ang kurtina pabalik at ibinalot iyon sa aking katawan. Hindi ko napigilang mapamura sa isipan.

Anong ginagawa ng Blaze na iyon dito sa kwarto ko?!

Leche flan naman oo! Shemaks! Oh my gad! Pulang-pula ang mukha ko sa hiya! Ramdam ko yun. Shemaks talaga! Pesti! Hindi ako nakashorts! Waaah! Demmet. Naka-panty lang kaya ako! Buisit! Bakit kasi pati shorts ko hinubad ko?! Waaaa! Shemaks! Nakakahiya! Pwede bang lamunin na ako ng lupa ngayon? O ng kurtina na to?! Pwede ba?!

Nakakainis! Ano ba kasing ginagawa ng lalaking iyon dito?! Wala man lang pasabi!

"Ate Kei, sorry!" Narinig kong sabi ni Blaze.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Lifetime With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon