#Mawawala Din
Isang buwan na rin ang mabilis na dumaan after that kissing incident sa buhay ni Blaze. Isang buwan na rin mula nang huling kinulit niya ako.
And one month na rin kaming walang communication. Sa FB nga, bihira din siyang magreply sa mga messages. Siguro sobrang busy niya doon. Siguro nakapag-move on na rin siya.
Sa isang buwan kasi na iyon ay nagbakasyon siya sa San Felipe. Sa probinsya nila Renz. Gusto daw niya ng space. Gusto daw niyang makasagap ng hangin.
Sus! Kung space lang pala, sana sinabi lang niya sa akin at sinipa ko sana siya papuntang outer space! At kung hangin din lang pala ang kelangan niya, ipinasinghot ko na sa kanya ang sampung tangke ng oxygen sa ospital. Kaysa ganitong nagpapa-miss ang loko.
I miss him suddenly.
Teka, Bakit ko ba namimiss ang makulit na Blaze na iyon?!
Napa-facepalm na lang ako nang ma-realize kong namimiss ko nga ang batang iyon. Naman!
Nag-wattpad na lang ako kesa isipin ko pa ang ginagawa ng kolokoy na Blaze na iyon. Mabuti pa ay mag-update na lang ako sa mga kwentong ginagawa ko sa wattpad. Kahit wala akong reader, keribels. Mega update pa rin ako. Ito lang kasi ang kasiyahan ko. Ang pagsusulat ng kwentong ako lang ang nakakaintindi.
Nasa kalagitnaan ako ng pagtitipa sa keyboard ng laptop ko nang bigla akong tinapik sa balikat ng pinsan kong si Kisses. Siya lang naman kasi ang kasama ko sa bahay nila. Wala si Tita Miranda at si Lola. Nagpa-check up sila kay Dra. Nikki.
"O bakit?" Tanong ko kay Kisses.
"Tumawag na ba si Kuya Blaze sa iyo Ate Kei?"
"Not yet. Why?" Walang ganang sagot ko. Wala talaga akong ganang makipagusap basta tungkol kay Blaze ngayon.
Ang walangyang yon! Nakalimot na! Ni isang text talaga, wala eh.. ni isang like at comment sa mga status ko, wala din.
Buhay pa kaya yun? Tss. Siguro naman.
"He's here na yata ulit. Nagtext si kuya Tobby. Pupunta raw si kuya Blaze sa kanila later." Sabi ni Kisses.
"Ah..." Napatango na lang ako. So buhay pa pala siya?
"Punta raw tayo doon sabi ni Tobby."
Ayoko nga! Ayokong pumunta doon kung pupunta dun si Blaze. Paimportanteng bata yun. Masyadong nagpapamiss! Manigas si Blaze!
"Sabi daw ni kuya Blaze, punta ka."
Natigilan ako. Talaga lang huh? Na-miss ba ako ng kolokoy na iyon?
"Hmm. Okay." Sabi ko na lang. Ewan ko kung bakit napa-okay na lang ako. Kainis.
Pagkatapos non ay nawala na lang bigla si Kisses sa tabi ko. Nang hinanap ko siya, naabutan ko siyang kausap na ulit ang kung sinumang kausap niya sa kanyang iPad.
Wish ko lang daddy niya ang kausap niya hindi ang nanliligaw sa kanya. Kisses is only Grade 7 pero ang manliligaw nito, grabe! Tatlo-tatlo yata? Hiyang-hiya ako dahil ako, wala! As in zero suitor.
Napailing na lang ako nang marinig ko siyang tumawa ng medyo may kaartehan. I am so sure na hindi ang daddy niya ang kausap niya. Hinayaan ko na lang. Mamaya ko na lang pagsasabihan, tinatamad pa ako ngayon.
****
5:00 p.m.
Bigla na lang akong nagising nang maramdaman ko ang pag-poke ng kung sino sa noo ko.
"Ate..." Boses ni Kisses.
"Hmm." Tanging ungol ang naisagot ko. Inaantok kasi ako at gusto ko pang matulog. Bakit naman kasi ginising ako ng batang to. Wala naman akong duty. Lalong wala akong date na pupuntahan. Tsk. Sabi ko sa kanya gisingin niya ako pag may date ako eh, kaso alam kong wala, kaya gusto ko pang matulog!
