Katatapos ng meeting naming mga young people sa church. Medyo ginabi kami ngayon ah. Kailangan ko ng magpahatid. Kanina pa ako hinahanap ng tatay ko. Mukhang galit na naman eh. Kahit sino na lang diyan ang maghatid sa akin. Nandiyan naman si Kuya Ian, pwede ko siyang pakiusapan. Nandiyan din naman si Blaze.
"Kuya Ian!" Tawag ko kay kuya Ian na masyadong naka-focus sa cellphone niya. Siguro katext na naman niya si Ate Meryll. Yung girlfriend niyang maganda.
Imbes na si Kuya Ian ang tumingin sa akin, si Blaze naman ang lumingon! At lumapit pa talaga! Ay! Magaling talaga. Siya na si kuya Ian ngayon? Eh di wow!
"Bakit ba?" Tanong ni Blaze sa akin. Nakabulsa ang dalawang kamay nito sa suot na slacks. Bihis na bihis siya samantalang ako, naka-scrub suit lang na nagpunta sa church. Bigla tuloy akong nahiya.
'Tss. Hindi naman ikaw yung tinawag ko. Si kuya Ian! Ian ka ba?" Di ko mapigilang magsungit. Ewan ko ba. Ang sungit-sungit ko ngayong araw.
"Sungit naman... May dalaw ka?" Nakangising sabi lang niya. Di man lang affected ang Blaze na to sa pagsusungit ko!
"Ewan ko."
"Hinahanap ka na ba? Hatid na kita."
Gentleman talaga to. Pero wag na, si Kuya Ian na lang. Medyo naiilang ako. Ewan ko ba talaga! Sarap sapakin ng sarili ko eh!
"Si kuya Ian na lang." Pagtanggi ko.
"Si kuya Ian na ang maghahatid kay Jaime sa kanila. 20-30 minutes pa iyon. If you want to go home now, hatid na kita."
Nag-isip ako. Mas gugustuhin ko bang kaming dalawa lang ni Blaze pero mabilis? O sasabay na lang ako kina Kuya Ian kahit matagal? Sa huli...
"Uhm. Sama na lang ako kay kuya Ian. Para joyride pa muna ako." Sagot ko kay Blaze. Ngumisi pa ako para di halatang naiilang ako sa kanya. Medyo nakakaintimidate din kasi ang dating ni Blaze. Parang mas matanda pa siya kaysa sa akin.
Hmp.
"Okay." Nakangiting sabi niya saka pinuntahan si kuya Ian.
"Nasaan na ba si Jaime?! Kanina ko pa nga hinihintay eh!" Narinig kong sigaw ni kuya Ian pero hindi naman nito hinanap si Jaime. Nakayuko pa rin ito sa cellphone nito. Hay naku! Sarap ihagis ng cellphone niya!
"Nasa tricy na siya kuya Ian! Hintayin ka namin don!" Sigaw ko kay kuya Ian pabalik nang makita ko si Jaime sa tricy na sasakyan namin. Pumunta na ako don at sumakay. Tabi kami. Ako yung malapit sa driver, si Jaime naman iyong malapit sa pinto.
"Sama ako!" Narinig kong sigaw ni Shantelle. Napatingin ako sa gawi niya. And there I saw her with Blaze. Holding hands. Bigla-biglang napataas ang kilay ko. What's with these two kids? Hmmm.
"Kuya Ian, tara na!" Tawag ni Jaime. Parang naaalimpungatan naman ako doon kaya umiwas na ako ng tingin kina Blaze at Shan na nagpupumilit pa ring sumama. Narinig ko pa ang boses ng Mama ni Shan.
"Anak, malayo yung kina Jaime, gabi na. Uuwi na rin tayo. Baka hikain ka."
At sumagot ulit si Shantelle.
"Si Ate Kei, sasama din naman. May asthma din siya."
"Uunahin namin siyang ihatid Shan." Sabi ni kuya Ian sa nakangusong Shantelle.
Napangisi ako. Sige, pilit pa more! Mas madami, mas masaya. Pero sorry na lang Shan, dahil nandiyan ang parents mo. Ako kasi, wala dito kaya keribels lang lumarga.
"Jaime, san ba yung sa inyo? Hindi pa ako nakapunta don..." sabi ko sa katabi kong nananahimik at nagtitext sa kung sinumang katext niya.
"Sa McArthur lang ako. 20-30 minutes. Depende sa bilis ng sasakyan. Bakit? Gusto mong sumama muna doon? Okay lang. Unahin niyo na akong ihatid ni kuya Ian." Dire-diretsong sabi niya sa akin saka matipid na ngumiti. Sa totoo lang, hindi naman talaga kami close ni Jaime.
