3

13 1 0
                                    


Smack.

Kahit puyat ako galing sa conference, hindi naman ako inantok sa ospital. Well, salamat sa tatlong sachet ng Nescafe na ininom ko kaninang umaga at sa isang box ng kisses na baon ko. It kept me going.

Mabuti na lang din at kaunti lang ang pasyente ngayon. Isa lang ang naging pasyente ko sa 2d echo ngayong hapon kaya keribels lang sanang matulog. Kaso nga ay lumaklak na naman ako ng kape kani-kanina. Pang-apat na. Hayan tuloy, mulat ang mata ko kahit masarap sanang umidlip muna.

Mayamaya pa ay nakarinig ako ng mga katok.Pumalatak ako sa sarili ko. Wrong timing naman itong pasyenteng ito. Manonood na sana ako ng movie, dumating pa. Agad kong binuksan ang pinto at medyo nagulat ako sa napagbuksan ko. Hindi siya pasyente, definitely.

"Hi!"

Nakangiting bati niya sa akin. Nagulat talaga ako sa biglang pagsulpot niya dito sa opisina ko. Hindi naman niya gawaing dumalaw sa akin. Ano kayang problema ng isang ito?

"Uy! Blaze. Anong ginagawa mo rito? Pasok ka." Nakangiting sabi ko na lang din sa lalaking napagbuksan ko ng pinto. Tumalikod na ako at pumasok sa loob ng maliit na opisina ko. Wondering kung ano ang pakay sa akin ng batang ito.

"Upo ka." Sabi ko pa saka binigay ko sa kanya ang monoblock chair na extra doon. Napansin kong parang wala siya sa sarili. Wala na ang ngiti niya kanina. Tulala siya ngayon na nakaupo sa monoblock chair na binigay ko.

Napakunot ang noo ko. Ano kayang problema nito? Did he and his father quarrel again?

"Blaze. What is it? Did you and your dad fight?" Tanong ko saka umupo sa swivel chair ko at umisod palapit sa kanya. Still looking at him.

Umiling ito. Pero nanatiling tikom ang bibig. Not saying even a single word.

"Then what is your problem?" Tanong ko ulit.

And again, wala akong nakuhang sagot mula sa kanya maliban sa KATAHIMIKAN.

Napailing na lang ako saka lumabas ng opisina. Nagpunta ako sa malapit na fastfood at bumili ng fries at coke float para sa amin ng bisita ko. Malamang kailangan lang niya ng food para magsalita. At kung hindi pa siya magsasalita pagkatapos ko siyang pakainin, ililibing ko na lang siya. Joke lang siyempre.

Pagbalik ko ay ganoon pa rin si Blaze. Tulala. Gaya kaninang iniwan ko siya. Pati nga posisyon niya sa pagkakaupo hindi man lang natinag.

"Blaze, kain muna tayo." Aya ko sa kanya. Umiling lang ulit ang bata. Napakamot ako sa batok. Nainis na ako kaya binilangan ko na siya. Hirap talagang maging ate!

"Blaze, isa. Binilhan talaga kita ng mirienda, kaya wag mong ayawan. Kumain ka."

"Hindi ako gutom."

Ayun! Sa wakas nagsalita ang mahal na hari!

"Kung hindi ka gutom, eh anong problema mo?" Tanong ko sabay subo ng isang pirasong fries sa bibig ko. Iniabot ko na rin sa kanya ang coke float na para sa kanya. Tinanggap naman niya.

"Wala..."

"Wala? Eh tulala ka lang diyan?"

Hindi na naman ito umimik.

"Hoy!" Bulyaw ko sa kanya. Hindi na kasi ulit ito nagsalita. Tulala lang ang lokong Blaze na to. Samantalang ubos ko na ang fries at float ko.

I heard him heaved a sigh. A very deep sigh.

"Blaze, hindi man tayo super close gaya ng pagkasuperclose niyo ni Shantelle at nila Danielle, pwede mo rin naman akong pagsabihan ng mga problema mo. I'm also your friend you know. Para saan pa yung pagtitiis ko sa mga panunukso niyo sa akin? Kaya pwede ba, sabihin mo na sa akin ang gumugulo sa isip mo? Isa pa, ate mo ako, I might help you. Come on!" Litanya ko.

A Lifetime With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon