#sleepover
Pakiramdam ko ang haba ng naging biyahe namin ni Blaze pauwi sa bahay. Nakapag-reminisce na naman kasi ako. Naisip ko kanina yung unang beses na nagkasabay at nagkatabi kami ng batang to sa loob ng isang tricycle. At kung anong naramdaman ko nung magdikit ang mga balat namin.
Isang beses lang yun. Noong ihatid namin si Jaime (as in Hay-me pag binigkas) sa McArthur. Kung saan katakot-takot ang nangyari sa akin. Hindi na ako ulit sumama kapag inihahatid si Jaime. Ayoko na. Natakot talaga ako noon. Hindi naman dahil sa dilim o sa multo na hindi naman nagpakita pero dahil iyon sa bolta-boltaheng kuryente na parang dumaloy sa sistema ko nung nagdikit kami ni Blaze.
Napabuntung-hininga na lang ako.
That was I think ages ago. Aminado akong may kakaibang naramdaman ako kay Blaze non pero binalewala ko na lang. Hindi ko alam na sa konting pagdidikit muli naming dalawa sa loob ng tricy, eh, mararamdaman ko ulit yung kuryenteng naramdaman ko noon. That bolt of electricity that really shocked the hell out of me.
That was the first time I felt something for a man after I got broken. Pero dahil nga hindi pwede, kinalimutan ko iyon.
Tss. Paulit-ulit na ako dito. Haaay.
"We're here." Narinig kong sabi ni Blaze sa tabi ko. Bumaba siya sa tricy para bigyang daan ako. Masyado kasi siyang malaki at di ako makakababa unless mauna siya.
"Ge, salamat." Malamig na sabi ko sa kanya. Hindi na ako tumingin. Kumaway na lang ako ng nakatalikod. Diretso pasok ako sa bahay. Hindi ko siya kayang tingnan ngayong may kakaibang nangyayari sa sistema ko at involve siya don.
Nakahinga lang ako ng maluwag nung narinig ko na ang tricy na sinakyan namin na umalis na. Pero ang puso ko, ewan ko kung anong problema at hindi pa rin matigil sa paghuhuramentado! Ang bilis pa rin ng tibok? Pa-confine na kaya ako? Or pa-check up ako kay Dra.Mendez? Baka may heart disease na pala ako?
Dami ko namang naisip. Dumagdag tuloy sa kaba ko.
At shedapashneya lang! Hindi ko pa napapakalma ang sarili ko, heto na naman at lalong naging hyper ang traydor kong puso. Dahil lang sa isang text! Sa isang text na galing sa Blaze na iyon.
Blaze: Papaampon ako kina Tita Miranda. Sleepover. See you there! Tulog ka dun ha? Please...
At may please pa talaga?
Oh gad. Bakit ganito? Naeexcite ako!
Ihh! Badtrip ka Kei! Ang tanda mo na para kay Blaze. Shut it up! Saway ko sa sarili ko.
Tss. Tama naman ako di ba. Bata pa siya for me. He's turning 19 on November and I'm turning 22. I'm three years ahead of him. Hindi ako dapat nakakaramdam ng kilig sa konting 'please' o sa konting 'see you there!' niya. Mas matanda ako kaysa sa kanya. Medyo masagwa yata tingnan? Kahit sabihin pang hindi naman halata dahil baby face ako, siyempre, nakakailang pa rin.
Hay! Badtrip. Bakit ko ba masyadong iniisip iyan? Makapag-facebook na nga lang para makita ko naman ang profile ni Mario ko. Baka sakaling pag nakita ko ulit ang kagwapuhan ni Mario Maurer, matanggal tung sapot na namumuo sa utak ko kaya parang pinagpapantasyahan ko na yung mas bata pa sa akin. Haay! Matigil na nga to. I shouldn't dwell on it, right?!
***
"Ate!"
Boses iyon ni Kisses ah?
"Ate Kei!"
Boses talaga ni Kisses yun. Bumangon na ako sa kama ko para puntahan ang pinsan ko sa labas ng bahay. Alam kong siya yun. Lakas pa lang ng boses niya, Kisses na Kisses na.