04

19 0 0
                                    


MALAMIG ANG tinging tumatagos mula sa suot niyang salamin. Wala siyang naging reaksyon sa naging muling pagkikita namin.

Naalala pa kaya niya ako? O namukhaan kaya?

Pero mas gwapo pala siyang tingnan kapag may suot siyang salamin at doctor's coat. Idagdag pa na nagsisilbing accessory niya ang stethoscope na nasa nakasabit sa kanyang leeg. Bumabagay rin ang kanyang maputing balat sa suot niyang dark blue scrub.

Teka, bakit ko na naman ba iniisip na gwapo siya?

Nag-iwas siya ng tingin at naglakad paalis sa harapan ko. Umupo siya sa binakanteng upuan ng admin kanina.

"Doc, mauuna na po ako," paalam ng admin niya na nakasabit na ang cross-body bag sa balikat. Bumaling siya sa akin. "Akala ko ba kakausapin mo si Doc?"

Napakagat-labi ako. "Masungit ba siya?" halos sumingaw na lang iyon sa bibig ko.

"Hindi, a." Ngumisi ito saka muling nagpaalam.

Naiwan kami ni Hidaro, o Doc Hidaro, sa lugar na 'yon. Huminga muna ako nang malalim bago dahan-dahang umupo sa visitor's chair. Abala naman siya sa pagbasa ng mga kung anu-anong files at chart na nasa ibabaw ng desk niya. Tila hindi niya alintana na naroon ako.

Halos marinig ko na ang lakas ng pintig ng puso ko sa tahimik na kabuuan ng office. Mukhang sabay-sabay pang nagsiuwian ang ilang mga admin na naroon lang kanina.

"I-Ikaw ba si Doc Hidaro Yamada?" panimulang tanong ko.

Ilang segundo bago siya sumagot. "Unless it's you," sarkastikong aniya. Ni hindi man lang nag-angat ng tingin.

"Sabi ko nga, ikaw," bulong ko. "So, ikaw rin pala 'yong doctor na in-charge kay tatay?"

Napatigil siya sa ginagawa. Noon lang siya tumingin sa akin at nagsalubong ang aming mga mata. Kahit tingin lang iyon ay ibang lakas ng epekto niyon sa akin.

"Mr. Eliazar Pangilinan is your father?"

Hindi yata ito makapaniwala?

"O-Oo. Unless it's you," panggagaya ko sa tugon niya.

Nagsalubong ang kanyang may kakapalang kilay at tumiim-bagang. Napikon ko pa yata siya gayong ginaya ko lang naman 'yong sinabi niya kanina.

"K-kumusta ang tatay ko. Anong lagay niya?"

"He has Hernia." Muli niyang itinuloy ang ginagawa. "It was severe, but I cannot do any surgery immediately for he also has hyperglycemia due to his Type two Diabetes. For the meantime, I just gave him pain reliever to help him get through the pain while his endocrinologist is in-charge with his sugar count control. Kapag magiging normal na ang blood sugar count niya, pwede na siyang operahan."

"Hindi naman siya mamamatay, di ba?"

Napatingin muli siya at biglang nagsalubong ang mga kilay. Para niyang sinasabing napaka-OA ng tanong ko. "He won't."

Nagpakawala ako ng malalim na hininga.

May sinipat siyang chart. "His maintenance medicine is Metformin with an unfamiliar brand." Sumandal siya sa kanyang swivel chair. "You are giving your father a ten-peso medicine? No doubt why his condition is getting worse which should not be."

Napatungo ako. May punto naman siya sa sermon niya. Sa murang gamot ni tatay ito kumakapit at may posibilidad nga na hindi naman ito effective. "'Yon kasi ang pasok sa budget ko."

"Budget from picking pockets?"

Bumalik ang tingin ko sa kanya. "N-namukhaan mo pala ako."

"And who would not—"

That Doctor (Japanese Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon