12

5 0 0
                                    


CUTE ANG interior ng clinic. Mas maraming pink color kasi iyon dahil sa neural art na puno ng cherry blossom. Ito na nga ang design ng buong pader.

May maliit din itong clinic bed sa gilid na nakapaloob sa hinawing green na kurtina, ilang metro lang ang layo mula sa personal na tanggapan ng mismong clinic. May ilang chart din doon ng human anatomy, at maliit na book shelf na punong-puno ng makakapal na libro. May coat rack sa gilid kung saan may nakasabit na doctor's gown. Patunay na naka-duty nga rito ang taong pakay ko.

Kaso walang tao sa loob. Tahimik, at walang bumabasag na kahit na anong ingay.

Patuloy akong nakahawak nang mahigpit sa strap ng dala kong bag habang inililibot pa rin ang tingin sa buong kwarto. Napako ako sa aking kinatatayuan hindi dahil sa pressure, kundi dahil nakatapat ako sa mismong air conditioner. Kailangan kong magpalamig muna para hindi naman ako mukhang basang sisiw kapag nakaharap na niya ako, kami.

Huminga ako nang malalim. Dinukot ko mula sa bag ang spray bottle ng baby cologne at muling winisikan ang sarili. Nang makontento ay sunod ko namang inilabas ang hand mirror ko. Baka rin kasi nanggigitata na pala ang buong mukha ko.

Sa paggamit ko ng salamin ay ibang mukha ang nahagip nito. Mukha ng taong noon ay nakatayo na pala sa likuran ko.

Napahiyaw ako sa gulat kasabay ng mabilis na pagpihit ng katawan ko paharap sa kanya. Napa-atras ako hanggang sa lamesa dahil isang talampakan lang yata ang layo ng distansiya namin sa isa't isa. Amoy na amoy ko ang masculine perfume niya, mas mabango kaysa sa gamit ng kasama ko kanina.

Wala itong reaksyon habang tinitingnan ang inaasta ko. Ni hindi man lang ito nagulat na nandito ako. Isang pares pa rin ng malamig na mga mata ang nakikita ko ngayon na nasa direksyon ko.

Sa'n ba 'to galing? Bakit hindi ko yata napansing may pumasok sa loob?

"K-kanina ka pa riyan?" Napakagat ako ng labi.

"I should have the one asking you the same question." Muntikan na akong mapapikit matapos muling marinig ang baritonong boses niya. Bagaman wala ring emosyon iyon, pero ang sarap no'n sa pandinig.

Finally, nagkaharap na ulit kami. Nakita ko na ulit si Doctor Hidaro.

"And why are you here, anyway? Who also gave you the permission to go inside the campus? It's strictly prohibited."

Lumabi ako. "K-kaibigan mo raw siya, sabi niya. Hinatid nga niya ako rito mismo kanina."

Nagsalubong ang may kakapalan at perpektong mga kilay niya. "Was it Akio?"

"Haruki raw, e."

"At least it wasn't Akio," bulong niya pero dinig ko pa rin.

Bumalik sa dating ayos ang ekspresyon niya. Wala na naman itong kahit na anong emosyon. Nag-iwas siya ng tingin at umalis nang tuluyan sa harapan ko. Naupo siya sa office chair niya, punong-puno ng awtoridad ang bawat galaw.

Dahan-dahan akong umupo sa visitor's chair habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Kasalukuyan niyang hawak ang retractable pen at nilalaro iyon sa mga kamay habang matamang nakatingin sa screen ng iPad. May kung ano itong binabasa at seryoso sa tinitingnan.

After more than a week, he had improved his looks. Siguro, o sa paningin ko lang. Kung susuriin kasi ay wala namang nagbago sa physical features niya, pero sa paningin ko ay mas gumwapo lang siya.

O dahil nga... na-miss ko siya?

"Did you come here to waste your time?" may irita sa boses na tanong niya, hindi tumitingin sa akin. Bumasag ito sa sandaling katahimikan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 3 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Doctor (Japanese Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon