11

4 1 0
                                    


HINDI AKO pinatulog ng liham na 'yon kagabi. Pabiling-biling ako sa kama. May kabang nararamdaman na hindi ko alam kung bakit gayong wala pa naman ako sa aktuwal na kaganapan. Pero ang mas hindi ko maintindihan ay kung bakit mayroon din akong maramdamang tuwa.

Anong nakatutuwa sa balitang kailangan kong sumama kay Doc Hidaro? Ano bang mayroon sa kanya? Gano'n na lang ba sila kalapit ni tatay noon?

Groggy na bumangon ako sa kama. Parang isang internet connection na mabagal mag-load ang utak ko. Naaalala ko pa naman ang mga nalaman ko kagabi pero hindi kayang i-synchronize nito ang buong detalye. Ang tanging alam ko lang ay kung ano ang problema ko.

"Dahil siguro wala pa akong kain..."

Tanghalian pa ang huling kain ko at kahapon pa 'yon. Mag-iisang buong bente y quatro oras na rin.

Alas singko y media ng umaga na yata kasi ako dinalaw ng antok kanina.

Dumiretso ako ng kusina pagkagaling sa banyo. Walang laman ang ilang plastic container doon kung saan kami madalas nag-iimbak ng pagkain.

Wala sa sariling binuksan ko ang refrigerator. Tumambad sa akin ang isang plastic bag na kulay pula. Noon ko lang naalalang may dinalang pagkain pala si Jake kahapon.

Nakilala ko ang tatak ng plastic bag. Napatunayan ko nang kinuha ko ito at binasa nang maigi ang logo.

Ito pa rin ang supot ng Tokyo Kitchen na madalas naming natatanggap noon sa hospital. Hindi naman ni-recycle lang dahil pagkain din ng nasabing restaurant ang laman nito.

Binilhan pa ako ni Jake ng galing sa mamahaling restaurant na 'yon.

O hindi kaya galing ulit ito kay Samurai?

Nasaan na nga kaya 'yong saviour kong 'yon?

Iyon ang dali-dali kong ini-reheat at ginawang agahan at tanghalian. Saka ako mabilis na nagbihis upang puntahan si Jake.

Alam kong may alam siya. Siya ang makasasagot sa lahat ng mga tanong ko!

WALANG REAKSYON. Prenteng binasa lamang niya ang liham na iniabot ko sa kanya saka muling binaling ang atensyon sa pinapanood na palabas.

Nasa bahay na nga ako ngayon nina Jake. Kasama niya ang tatay-tatayan niyang si Tito Eliseo pero nasa likurang bakuran ito at nagpapahangin.

"Wala ka man lang bang sasabihin, pinsan?" nakalabing tanong ko saka binawi ang liham mula sa kanya.

Namuntong-hininga siya. "Ano bang dapat kong sabihin?"

"Pero ikaw ang naka-aalam kung bakit ganyan ang naging desisyon niya," mariing tugon ko.

"Malapit sila ni Doc Yamada. Magiliw si Doc Yamada sa mga nagiging pasyente niya. Siguro na-appreciate ni tito 'yong kabaitan niya, kaya ka niya gustong ibigay kay Doc," saad niyang hindi pa rin inaalis ang tingin sa TV.

Ibigay?

"Wala ka bang ibang alam na naging usapan nila dati?"

Tipid ang naging pag-iling niya. "Wala akong ibang nasaksihang pinag-usapan nila maliban sa mga update ng kalagayan ni tito."

Tumungo ako at tinuon ang tingin sa noon ay nilalaro kong liham. Wala pa rin palang magiging kasagutan hanggang ngayon ang tanong ko. Ang lahat ng mga tanong ko.

"Bakit hindi mo siya puntahan?" maya-maya ay saad niya.

"H-ha?"

Noon lang siya lumingon. "Kay Doc Yamada mo ipakita 'yan. Siya ang sangkot sa liham na 'yan, Meng."

That Doctor (Japanese Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon