09

6 1 0
                                    


DINUKOT KO mula sa panglikod na bulsa ng aking pantalon ang dala kong panyo, saka ito ipinangpunas sa butil-butil na pawis kong naipon sa aking noo. Ala una quarenta y singko na ng hapon, putok na putok ang init ng araw. Pero heto ako, balot na balot at suot pa rin ang itim kong jacket at lumang baseball cap.

Kailangan kong dumilihensya. Wala na akong pera ni isang sentimo. Ayoko namang tumunganga na lang doon sa hospital samantalang wala na kaming kakainin bukas.

Kahit five-hundred pesos lang sana....

Kahit isang wallet lang!

Pinagdikit ko ang aking mga labi at binasa ang panunuyó nito. Kalaunan ay marahan kong kinagat habang nakatanaw sa kahabaan ng Taft Avenue. Paano kaya ako makade-delihensya? Naalala ko tuloy si Kuya Binoy na madalas kong hinihingian ng tulong dati kapag nasa sitwasyon akong hindi ko alam ang gagawin.

"Wag ka dito. Matumal talaga dito. Mapapagod ka lang."

Isang lalaking nakasuot ng maayos na uniporme ang bumulong no'n sa akin. Slacks at yellow na polo-shirt iyon at tinernuhan ng bagung-bagong rubber shoes. May suot rin itong ID na nakatatak ang pangalan ng isang sikat na mobile network sa lace niyon. May hawak pa siya sa kamay na flyers ng advertisement galing din sa kompanyang iyon.

Kinunutan ko siya ng noo. Hindi siya pamilyar sa akin pero bakit niya alam ang pakay ko.

Mukhang nabasa naman niya ang tanong ko sa isip. Ngumiti siya. "Member din ako ng Red Foxes. Itong trabaho kong 'to," bahagya niyang iniangat ang hawak na flyers, "parte lang to ng strategy ko para hindi ako mapaghahalataan. Modus kumbaga."

"Pero bakit mo 'ko kilala?"

"Wala akong ibang alam na information tungkol sa'yo, maliban sa nakita kita noon kasama ni Robin sa warehouse ni Sir Matt kaya namukhaan kaagad kita."

"Hindi ako member ng Red Foxes," paglilinaw ko.

Tumaas ang kilay niya. "Gano'n ba? Pero, 'di ba...?" Kumibit-balikat siya. "Doon ka pala sa sakayan ng jeep pumunta. Mas maraming dumaraan do'n na mabibiktima. Madalas doon kami nakadadali nang tiba-tiba," pag-iiba niya ng usapan. Kumindat pa siya pagkatapos.

Tinanguan ko siya.

"Pa'no ba 'yan? Mauna na ako sa'yo, miss...?"

"Jasmine."

"Mauna na ako, Miss Jasmine. Nice meeting you, at good luck sa paggawa." Makahulugan ang pagngiti niya bago ako iniwan sa lugar na 'yon.

Nunca ko siyang nakita para mamukhaan. Kung sa warehouse naman ni Matthew noon ay malabong isa rin siya sa mga goons nito dahil mukha siyang maayos at malinis, samantalang dugyuting tingnan ang mga bantay ro'n.

Hindi ko na siya matanaw nang muli ko siyang balikan ng tingin. Gayong hindi naman matao sa lugar. Naisip ko, baka pumasok lang siguro siya sa isa sa mga shop doon para magpamahagi ng flyers, at dumikarte rin.

Natagpuan ko na lang ang sarili kong tinatahak ang daan patungong terminal ng jeep.

Sinenyasan ako ng barker nang makitang patingin-tingin ako sa mga nakaparadang jeep doon.

"Miss, sasakay ka ba? Isa na lang 'to, punó na."

Mariin akong umiling at hindi nagsalita. Tumigil siya sa ginagawa upang matingnan ako, pero hindi nagsalita.

May umpukan ng mga tao sa gilid, mukhang hinihintay ng mga ito ang mapapadaang jeep na may ibang ruta. Abala ang ilan sa mga ito sa paggamit ng cellphone, tumbok para madali silang malinlang at makuha ang kung anuman sa kanilang gamit.

That Doctor (Japanese Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon