05

9 0 0
                                    


"MA'AM, BAWAL po ang nakasuot ng cap sa pagpasok. Pakialis na lang po 'yan," saway ng lady security guard sa akin sa main entrance.

Tiningala ko siya mula sa pagkakatungo ko. Pasimple ko ring inilibot ang tingin sa paligid, tinitingnan kung baka nasa palibot lang si Doc Hidaro.

"Hindi naman po ako gagawa ng masama sa loob, ate. Magbabantay lang po ako ng pasyente," tugon ko.

"Kahit na po, ma'am. Bawal po talagang pumasok nang nakasuot niyan."

Napakagat-labi ako. Kailangan ko ng mas matibay na rason para makalusot. "N-napapanot na po kasi 'yong ulo ko. Kailangan ko lang takpan. Baka naman po pwedeng—"

May isang tao mula sa likuran ko ang nag-alis ng suot kong baseball cap. Lumadlad tuloy nang tuluyan ang buhok kong nakapaloob doon.

Hinuha ko'y isa lang ito sa mga kasamahan niyang security guard. Kaya mabilis akong pumihit upang agawin ito pero isang pares naman ng malamig na tingin ang tumambad sa akin. Walang kahit anong emosyon sa mukha niya pero sapat na ang ka-blangkuhan niyon upang magpakita ng authority at kapangyarihan sa kung sinumang kaharap niya.

Siya na naman! Si Hidaro na naman!

Hindi na nga ako kaagad pumasok matapos kaming magka-engkwentro sa parking space kung saan ko binuksan ang kotse niya para maiwasan sana ang posibilidad na magkita kami ulit. Pero heto na naman at kaharap ko siya.

Para namang nagbibiro ang tadhana!

Lumampas ang tingin niya at bumaling sa lady guard. "She may now go inside."

Tumango naman ang guard at iginiya akong pumasok.

"Out-patient niyo ba siya, doc?" tanong pa nito sa kanya.

"No, not I. It was Doctor Hidalgo's," payak na tugon nito saka tuluyan nang pumasok.

Kinunutan ko siya ng noo habang sinusundan siya ng tingin papalayo. Ano bang sinasabi niyang pasyente raw ako ng isang Doctor Hidalgo?

Bumaling ako sa lady guard. "Ate, sino naman si Doctor Hidalgo?"

"Isa po siya sa mga Psychiatrist dito, ma'am. Diretso na lang po kayo sa OPD, doon po ang clinic niya—"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Kailangan kong mahabol ang Hidaro na 'yon.

Bibigwasan ko siya!

"GOOD TO know from his test na nag-i-improve na ang kalagayan ni tatay. Unti-unti nang nagiging normal ang kanyang sugar count. Kung tuloy-tuloy na ganito, then anytime of this week ay maisasagawa na ang operation niya. Paghandaan niyo nang maigi 'yon...."

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga saka sumandal sa pagkakaupo sa waiting area sa hallway ng malaking hospital. Magda-dalawang oras na mula nang makausap ko ang Endocrinologist ni tatay ay umalingawngaw pa rin sa pandinig ko ang mga sinabi niya.

Paghandaan raw namin? Ah, paghandaan ang malaking halaga ng operation niya, oo.

"Lumampas na yata ng Pilipinas 'yang takbo ng isip mo, Meng?"

Hindi ko inasahan ang pagdating ni Kuya Binoy. Nakasuot ito ng leather jacket at may bitbit na dalawang helmet sa magkabilang kamay.

"Kuya? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sabay mabilis na tumayo.

Sa halip na sumagot ay inabot niya sa akin ang isa sa mga hawak niyang helmet.

Kinuha ko naman iyon saka nagtatakang tumingin sa kanya. "Para saan 'to?"

That Doctor (Japanese Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon