Paulo's POV
Nag umpisa ang baby shower ng wala ang mismong nag ccelebrate. Weird eh noh. Pero naintindihan naman nila kung bakit hindi makalabas si Vina. Ang sabi ko kasi masama pakiramdam kaya yun hinayaan nalang nila mag pahinga.
Pero kanina pa talaga ko napipikon sa Alex na to e. Panay lang ang inom sa gilid habang nanlilisik na nakatingin sakin.
Kung hindi nya lang to teritoryo binanatan ko na to eh.
Makalipas ang dalawang oras.. Haba naman ng program nila. Bored na ko.. Kamusta na kaya si Vina.
Maya maya lumapit sakin si Melo kunin ko daw si Vina para sa family picture nila.
Pinuntahan ko agad si Vina sa kwartong pinagdalhan ko sa kanya at nandun sya nakaupo sa sahig na parang wala sa sariling nakatulala at puno ng luha ang mata.
Agad akong nag alala sa nakita ko. Lumapit ako sa kanya at inalalayan syang umupo sa kama.
" Vina anong nangyari? Sino may gawa nito sayo ha?! "
Umiling iling lang sya.
" Si Alex ba ha?! "
Tumungo sya at lalong humagulgol ng iyak.
" Alam mo yang asawa mo manhid talaga yan eh! Tuturuan ko sya ng leksyon " Tumayo ako. Walang pag aatubiling bubuggbugin si Alex.
Wala na ko pakialam kung pamamahay nya to. Hindi na sya nakuntento sa ginawa nya kay Vina.
Hinawakan nya ko bigla sa braso.
" Yun na nga ang problema Paulo.. H-hindi ko sya asawa! Peke lang ang kasal namin!!! Niloko nila ko Paulo!! "
Napatulala ako sa mga sinabi ni Vina.
" W-what do you mean? "
Inabot nya sakin ang isang papel na basa na. Dahil siguro sa mga luha nyang pumatak dito.
" Naniwala ako na perpekto na kami. Akala ko totoo lahat ng pinapakita nila sakin.. akala ko
Akala ko.. mahal nya ko.. "
Tumigil sya sa pag iyak.
Biglang nawalan ng buhay ang mga mata nya. Isang matang walang pag asa.
Niyakap ko sya ng mahigpit. Sobra ako naapektuhan kay Vina. Ramdam na ramdam ko din kung gaano sya nasasaktan ngayon.
Niyakap ko sya ng mahigpit.
Sana kahit konti makatulong alam ko na ito ang kailangan nya sa panahong ganito.
" Shh.. Tahan na.. "
Alam mo gusto kita batukan ng malakas.
Bat kasi minamahal mo pa rin sya.
Nandito naman ako eh. Sana ako nalang Vina.
" Tawag ka ni mama "
Nagulat ako na nasa likod lang pala namin si Alex at nakasandal sa pinto.
Nag init bigla ang ulo ko ang ambang susugurin si Alex ng bigla naman akong pigilan ni Vina.
x x x x x x x x x x x x
VINA'S POV
Nagtangka si Paulo na sugurin si Alex.. Agad ko namang hinila ang braso ni Paulo at napatingin sya sakin.
Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko at buong tapang na humarap kay Alex.
Nakatayo lang sya sa pintuan habang tila papatay ang mga tingin nya saming dalawa ni Paulo.
Bigla syang lumapit sakin at hinawakan ako ng mahigpit sa braso.
" Hinahanap ka na ni mama tara na. "
" Bitawan mo ko Alex " Pabulong na sabi ko.
Ngunit mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. Sa sobrang sakit napasigaw ako.
Sumugod si Paulo at agad na kinuwelyuhan si Alex.
" SIRAULO KA WAG MONG SASAKTAN SI VINA!!! "
Madali kong hinila si Paulo para lubayan si Alex.
Kahit gustong gusto kong patayin si Alex ngayon. Ayoko pa din syang makitang masaktan.
Katangahan na talaga to.
Tuluyan ko na silang napaghiwalay.
Sakto naman ang pagdating ng mama ni Alex na mukang mainit ang ulo.
" Anong meron dito? "
Nagulat ako sa kanya ng bigla syang lumapit sakin at hawakan ako sa braso. Napasigaw ako sa sakit.
" Anong nangyari dito Vina? Jusko. Bat nagdudugo ang braso mo?! "
Napatingin ako kay Alex na mukang gulat na gulat.
Inalis ko agad ang kamay ko sa pagkakahawak ng mama ni Alex.
" W-wala po ito.. Nakalmot lang kanina ng kaibigan ko.. Excited kasi sa party eh.. "
Muka namang convice sya sa drama ko.
" Oh sige. Tara na kanina ka pa hinahanap ng lahat. Sure kang okay ka na? "
" Opo.. "
Tumingin ako sa kinatatayuan ni Alex. Wala na sya.
Inalalayan ako ng mama ni Alex papuntang stage.
" May surprise kami sayo iha siguradong magugustuhan mo "
Tinutukoy nya ba yung room na kanina?
" Ako din po may surprise.. "
" Talaga? I know it would be wonderful " ngumiti sya sakin.
Tinawag nila kaming dalawa ni Alex sa harapan.
Maya maya ang tingin sakin ni Alex. Ako naman blangko lang ang muka.
Ang hirap. Ang hirap magpigil ng luha.. Pilit kong pinipigilan pero gumuguhit ito sa puso. Anytime sasabog na ko..
Nagbigay ng speech ang bawat isa sa pamilya.
Si Alex.. Pass.
Dumating ang oras na ako na..
Tumingin ako sa paligid ko.. Napakadaming tao. Karamihan ay kamag anak nya at mga matataas na tao na kakilala nila.
Gusto kong ilahad lahat ng panloloko nila.
Matagal na katahimikan ang bumalot sa bahay nila.
Napakapit nalang ako ng mahigpit sa mic.
Biglang bumagsak ang luha ko. Hindi ko na kayang pigilan. Hindi ko alam kung paano maitatago ang muka ko sa mga taong alam kong nakatingin sakin.
Hanggang sa...
BINABASA MO ANG
My beautiful Blackmailer
Novela JuvenilAlex Montero. Young, handsome and rich man who is really drunk that night and made love with his unknown beautiful lady named Vina. Well.. Cute accident happens.. As far as cruel imagination of author concern, he made this girl pregnant and got blac...