Chapter 46

125 1 0
                                    

Hi nak..

Ok ka lang ba dyan?

Hindi ka ba naboboring sa loob ng tyan ni mommy?

Puro bituka, baga, atay at kung ano ano pang lamang loob ko ang kasama mo dyan.

Hehe siguro natry mo ng kausaping ang binuka ni mommy kung bakit sya naging patay gutom na bituka.

Eh ang puso ni mommy?

Natanong mo ba sa kanya kung bakit mahal na mahal ko ang daddy mo?

Wow ang emo ng nanay mo noh?

" Oo nga mommy bakit nga ba? "

Huh? O__O

2 seconds ako naging engot. Tumingin ako sa tyan ko na parang si baby nga ang nagsalita.

Agad ako napaisip at tumingin tingin sa paligid.

" Hoy! Bat ka nandito? Pano ka nakapasok? Alisin mo nga yang bib ng baby ko sa leeg mo di bagay! "

" Mommy kasi. Bat di nalang kaya si Paulo ang daddy ko? Mas gwapo naman yun mabait pa hehe "

Ano daw? Sira talaga to. Batuhin ko nga ng tsupon.

" Ouch! Hoy oy! Nananakit ka nanaman oh! Bad ka mommy! "

Mula noong maging busy si Alex/ iwan ako. Araw araw na sya bumibisita dito at may dalang pagkain.

" Nagalit ka ba kasi di ako nakapunta kahapon? May inasikaso lang ako mommy sorry na please babawi ako " he pouted.

Oo nga wala sya kahapon. Buti nalang pumunta ang dalawang bruha dito atleast hindi naging boring ang araw ko kahapon.


" Duhh okay lang. Nandito ang magpinsan kahapon "

Tumayo ako at pinulot ang tsupon na binato ko sa kanya, hinila ko din ang bib mula sa leeg nya. Pasalamat sya di nakabuhol ng gaano kundi tanggal pati ulo nya.

" Aray naman mommy! "


" Hoy! Hahaha! " nakalimutan ko yung sasabihin ko. Ampangit kasi ng reaction nya para syang monggi.


" Hahaha! Ehem..Wag mo ko tawaging mommy di kita anak! "


Umupo ako sa sofa habang hawak ang milk bottle ng baby ko.


Ang cute cute kasi. Naiimagine ko na ang baby ko na ginagamit to.


Special tong tsupon na to.


Eto lang ang maibibigay ko kay baby na galing mismo sa pera ko na matagal kong inipon.


Sa isang araw na ang baby shower ni baby Alena.


Gusto ko na nga iurong eh.. Baka kasi hindi sya pumunta..


Kaso mapilit si mama at lola kaya ayun..


Makakapunta kaya sya?


" Huy!!! "


" A!! A-ano ba! "


Halos mapabalingkwas ako sa kinauupuan ko bat kasi ang hilug manggulat ng timang na to e!

My beautiful BlackmailerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon