Chapter 45:

213 3 2
                                    

Vina's POV

" Alex! "

" Alex huy!! "

" Yuhuuuuu! "

" Wala kong naririnig! " Tinakpan nya ang tenga sabay kunwaring walang naririnig habang kumakanta.

Hmp arte!

Kanina pa ko hindi pinapansin nyan mula nung sinabi ko sa kanya na gusto kong mag snorkling sa gitna ng taal.

Bakit ba. Gusto ko eh.

Nandito kami ngayon sa kubo sa gilid ng bangin na tanaw buong city.

Dito kami napadpad sa kakalakad namin ni Alex. Para syang isang maliit na baryo ng mga magsasaka. Napagod kami kaya dito muna kami nagpahinga sa dalawang dipa na kubo na pagmamayari din ata ng mga tao dito.

Tumayo ako at dinambahan ko sya. Ikaw ha iniis mo ko ha.

Niyakap ko sya ng mahigpit mula sa likod at saka kiniliti ng mabilis.

" Haha Vina itigil mo ahaha isa!! "

Mamatay matay naman sya kakatawa syempre tuwang tuwa naman ako kaya mas kiniliti ko pa sya.

Hanggang...

" Ack!!! "

" Ouch ang likod ko! "

Ayun bumagsak tuloy kami sa damuhan.

Napahawak ako agad sa noo ko. Nagkauntugan kasi kami ni Alex pano ba kasi ang ganda ng bagsak namin nakapatong ako sa kanya. Tigas talaga ng ulo ng kumag na to >.< Aray

Sabay naman kaming nagkatinginan ni Alex at nagkatitigan.

Naman..

Eto nanaman yung 'a glipse of heaven' na dating ng mata nya eh.. Nakakatulala!

Wow Vina! Tumakas ka na habang may chance pa!

Pilit ko ipinihit ang ulo ko sa ibang direksyon. Nakakahiya baka isipin pa nito gwapo sya. Kahit totoo? Ano ba tong iniisip ko naloloka nanaman ako!

Tatayo na sana ko ng hilahin nya ang kamay ko at for the nth time nasubsob nanaman ako sa kanya muntik pa kami magkauntugan ulit buti napigilan ko.

Saka nya ko siniil ng halik.

Tumagal ang halik na yun ng mga ilang segundo ng bigla kong maalala na andaming televiewers na nanonood samin LIVE!!!

Nanlaki ang mata ko at tarantang tumayo. Aaaaaa!!!!

Kung may dala lang akong kumot tinakpan ko sa buong pagkatao ko nakakahiya to the highest level!!!

Huhu ano kaya ang nasaisip ng mga tao ngayon dito. Waaa! Kung ano man yun alam kong hindi yun maganda. Oh my precious reputation T.T

Sawakas mukang natauhan si Alex at tumayo ng maayos.

Inakbayan nya ko at pilit tinatanggal ang mga kamay ko na nakatakip sa muka ko. Walangya to!

Pwede bang alisin nya nalang ako dito sa epic fail na scene!

" Ohhh ang cute nila no sweet heart tayo din dali na" Isang pangmatandang boses.

" Pagibig nga naman " Sagot ng matandang babae.

Natulilig ang tenga ko sa mga narinig ko at napatingin sa mga tao malapit samin ni Alex na masasayang nakatingin samin *___*

Siniko siko ako ni Alex at sabay sabing.

" Kitams. Nainspire sila. Lets do it again? "

" Tse! "

" Hahaha biro lang tara na? "

Ngayon ko lang napansin palubog na pala ang araw.

At ang view!!! Breathtaking!

Nagpaalam na kami sa mga taga nayon at nag umpisang maglakad pabalik sa rest house. Natuwa naman ako kay Alex dahil sa ingat na ingat nyang pagalalay sakin habang naglalakad kami mabato kasi dito at mejo dumidilim na.

Sadyang napakalayo ata ng narating namin dahil isang oras na hindi ko pa din nakikita amg pinanggalingan namin.

Nagulat ako ng pasanin ako ni Alex. Napansin nya ata na pagod na ko at walang imik idagdag mo pa ang gutom na sikmura ko.

Ilang minuto pa nakarating na kami sa rest house. Nagluto sya agad ng makakain namin. Yun yung tirang karne sa manok na binili nya kanina. Pagtapos noon ay natulog na kami sa isang master bed na nasa kwarto sa second floor.

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong wala si Alex sa tabi ko.

Tumingin ako sa wall clock na nasa living room. 2:18 am palang pala. Kaya pala antok pa ko.

Hinanap ko sya sa buong bahay pero di ko sya nakita.

Saan naman kaya nag soot ang isang yun.

Naalala ko bigla.

Ang malagim na nangyari kagabi *____*

Shemay!!!

Naalala nyo yung 'gusto ko ng kambal' joke nya?

Seryoso sya mga bro!!!!!!

Ambilis ng tibok ng puso ko!

Waaaa!

Ok erase erase. Wala kong naaalala. Walang nangyari. At walang kambal!

Nasan na ba kasi yung lalaking yun.

Lumabas ako ng bahay at di nga ko nagkamali. Ayun sya!

Nakatingin lang sya sa mga bituin sa langit habang nakahiga sa damuhan. Di lang ako sure kung nakatingin talaga sya dun o tulog na.

Dahan dahan ako lumapit kay Alex at umupo sa gilid nya.

Ekk. Tulog nga.

Ayos din trip ng lalaking to. Mas pinili nyang matulog sa malamig na damuhan kesa sa malambot at mabangong kama? May lahi nga talaga tong kambing.

Ang ganda ng langit. Kaya pala.

Ibinalik ko ulit ang tingin ko kay Alex na kasalukuyang nakahiga nakataas ang magkabila nyang braso na nagsilbing unan.

" Ang ganda ng langit " Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga bituin.

Tumingin ulit ako sa natutulog na Alex.

" Mas maganda ka.. "

Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang magsalita si Alex. Loko to ah. Infairnes na flatter naman ako bigla.

Pero ano tong nakikita ko?

" Alex? Umiiyak ka? "

Bumagon sya at umupo ng maayos kasunod ay hinila nya ko ng bahagya at niyakap ng mahigpit.

Hinayaan ko nalang sya. Siguro may problema sya. Kung ano mang bumabagabag sa kanya nandito lang ako bilang sandalan nya.

" Tahan na.. "

Patuloy lang sya sa pag iyak.


" Hmm. Baka may gusto kang sabihin. Makikinig ako "

" Wala akong idea sa pinagdadaanan mo ngayon.. Sabihin mo lang kung may maitutulong ako "

Hinaplos haplos nya ang buhok ko.


Di pa rin sya umiimik.

This timw humiwalay na sya sa pagkakayakap sakin.


" Im sorry " Nakayuko nyang sabi.

" Bat ka ba nagsosorry jan.. Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw mo sabihin kung anong problema mo. Maybe you are just afraid na mastress ako na bawal na bawal kay baby " I smiled at him saka hinaplos haplos ang kanyang pisngi.


" No Vina.. You didnt get me.. "

" Ha? "


My beautiful BlackmailerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon