Nandito ako ngayon sa bahay ng mga Montero. Sa bahay ng mama at papa ni Alex.
Bat pa kasi ako pumunta dito..
Hindi ko alam kung pano ko pakikisamahan sila ng natural sakabila ng ginawa ng anak nila sakin. Pero dapat ba madamay sila sa problema namin ni Alex? Unfair yun sa kanila.. Beside kilala ko si mama. Hindi sya yung ina na kukunsintihin ang anak.
Inalalayan ako ni Paulo. Formal na formal ang kilos nya ngayon. Siguro iniisip nya na baka mabugbog sya ng mga tao dito pag nalaman nilang pinopormahan nya ko.
Ang ganda ng set. Pink white gold combination ang design ng garden na may fountain sa gitna at may lumulutang na rubber duckies sa loob. Marami ding pink na baloon na nakapaligid sa garden.
" Hi Vina my dear.. You look pretty as ever " Nagbeso beso kami ni mama ni Alex.
Wala naman nagbago sa kilos at pakikitungo ng magulang ni Alex sakin.
" Thank you mama " I gave her a half smile.
" How are you? Where is Alex? "
Napaisip ako bigla.
" Umm. Wala po ba dito si Alex? " Nagtataka lang ako. Bat hinahanap sakin ni mama si Alex? Posible bang hindi nila alam na iniwan na ko ni Alex?
" Huh iha? You mean hindi mo kasama si Alex? Iniiwan ka nya ng mag-isa?? " Nagbago bigla ang expression sa muka ni mama halatang pilit na pinapakalma ang sarili.
Ibigsabihin hindi dito tumutuloy si Alex.
" A.. Akala ko po kasi nauna na sya. Sabi nya po kasi may aasikasuhin pa sya "
Tama ba yun.. Pinagtatakpan ko pa yung siraulong yun? Oo.. Ayoko din kasi ng skandalo.
Kung wala sya dito..
Naglilive-in na ba sila nung babae nya?
Yumuko nalang ako at pasimpleng nagpunas ng luha.
Shet Vina.. Wag ka iiyak sabi eh!
Ginusto mong pumunta dito kaya panindigan mo yan!
" Ah napuwing ako. Excuse me po mama ha "
Patungo akong tumakbo papasok sa bahay.
Pumunta muna ko sa isang kwarto kung saan walang tao.
Dun ako naglabas ng sama ng loob ko.
" Hey! There's a shoulder here you could lean on.. If you want "
Napatingin ako sa boses na nagsalita.
Si Paulo.
Lumapit ako sa kanya at yumakap.
" Paulo "
Niyakap nya rin ko ng mahigpit.
Saka ako umiyak sa kanya. Wala na kong pakialam kung may biglang magbubukas ng pinto at makakita samin. Ang mahalaga may maiyakan lang ako. Ang hirap pala ng magisa.
Walang umiintindi at walang umuunawa sayo. Nagpapasalamat ako na merong Paulo sa mundo sya lang ang tanging taong nakakaalam lahat ng pinagdadaanan ko ngayon.
Kumalas ako sa pagkakayakap kay Paulo ng mahimasmasan ako.
" P-paulo.. S-salamat lagi kang nanjan. Wag ka mag alala makakabawi din ako sayo "
" Ano ka ba.. Free-hug Day ngayon kaya ok lang "
Biglang umikot ang paligid ko. Napahawak ako sa ulo ko.
BINABASA MO ANG
My beautiful Blackmailer
Genç KurguAlex Montero. Young, handsome and rich man who is really drunk that night and made love with his unknown beautiful lady named Vina. Well.. Cute accident happens.. As far as cruel imagination of author concern, he made this girl pregnant and got blac...