Chapter 25

641 19 12
                                    

🫀
Chapter 25




There are times when I feel like I'm not doing enough for myself and for Caitlin that sometimes I wonder if nararamdaman ba niya 'yung pagkukulang ko at binabalewala na lang niya just because she wants to be with me.. just because she loves me.



"Sabi mo maaga kang uuwi kagabi? I waited for you."



Kakamulat pa lang ng mga mata ko ay iyon na agad ang bungad nito sa akin. She was already sleeping when I came home last night.. Nadatnan ko pa 'yung mesa na maayos pang nakahain. Hindi na rin naman ako kumain dahil sa sobrang pagod kaya niligpit ko na lang din. Hindi ko na siya ginising dahil halatang pagod na pagod ito. Usually kasi nahihintay talaga niya ako kapag wala silang trainings or game.



"Sorry.." I apologised with my hoarse voice. Gumilid ako ng kaunti para mayakap ko siya.  "I really wanted to come home early but there was a conflict with the boards regarding with the budgets. Hindi na ako nakapagsabi sa'yo because I was too focused on wrapping up the concerns para makauwi na pero hindi ko na namalayan 'yung oras."



Agad na napalitan ng pag-aalala ang kanyang mga mata dahil sa explanation ko. She held my cheek.. "Sorry, I didn't know.."



"It's not your fault, love.. It was mine."



Umiling ito habang hinahaplos ang pisngi ko. "Not your fault din, okay? Hmm.. Kumain ka naman ba?"



Nginitian ko siya at hinalikan ang kanyang noo. "I was too tired to eat kaya natulog na ako after ko maligo. Bawi ako, I'll make breakfast--"



Agad na tumayo ito at nagtali ng kanyang buhok. She offered her hand para tulungan akong bumangon.. Kahit nagtataka ako ay inabot ko iyon ng may ngiti sa labi naming dalawa.



"We will make breakfast together, okay?" matamis pa nitong ngiti sa akin.



Sabay kaming pumasok sa banyo para maghilamos tapos ay dumiretso na sa kusina. I live for moments like these.. A peaceful morning, a perfect view of sunshine, and a Caitlin in between.



"'Wag mo na akong ihatid, love." mahinang bulong ni Caitlin sa akin habang naglalakad kami.



"Bakit ba ang kulit mo?"



"Ikaw ang makulit. Mapapagod ka lang maglakad, eh."



"Bakit ako mapapagod? Sino ba nagsabi sa'yong mapapagod ako? Kailan? Saan? Paano?"



Huminto ito sa paglalakad at nakapamaywang na humarap sa akin, magkasalubong pa ang mga kilay nito. "Inaasar mo na naman ba ako, Beatriz?"



I innocently shook my head. "Bakit naman kita aasarin?"



"Kasi hindi ako nagpahawak ng kamay habang naglalakad tayo? At ayoko ring magpahatid?"



I smiled sheepishly. "Alam naman pala, eh." bulong ko sa sarili.



"Narinig ko 'yon, ah!"



"Oo na.. Oo na.. Let me walk you to the gym na kasi para hindi tayo ma-late pareho."



Inirapan niya ako tapos ay hinablot ang kamay ko.. She intertwined our hands. Hahawakan din naman pala.



Home For A Cloudless SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon