Chapter 36

376 10 6
                                    

🫀
Chapter 36



"Cait," tawag sa akin ni Deanna sabay bigay sa akon ng instructions about me hitting the ball when she sets up. "We really need to avoid your blockers, I think they have their eyes on you. Nababasa na din nila 'yung attacks mo. But, are you okay though?" may pag-aalalang tanong ni Deanna habang pabalik kami sa court.


Nilingon ko muna ng isang beses si Bea na masama pa rin ang tingin sa kabilang team, kuyom ang mga kamay.


"Love, do you want to rest first or you want to continue?" tanong sa akin ni Bea habang nagpapahinga ako at umiinom.


Kanina pa sila nagtatalo dahil tingin nila ay ako talaga ang pinupuntirya ng Archers. Gusto na nilang ipasok si Vannie. Kahit naman na ganoon din ang nararamdaman ko ay ayokong paniwalaan. It's just a game, right? And they're just competitive.


"Kaya ko pa naman.." sagot ko.



Hindi ang mga ex mo ang makakapagpabago ng isip ko. I'm gonna show them that it's only right for them to stay in Bea's past.



"Vannie, get ready. You'll take Cait's place." seryosong utos ni ate Ly. Napalingon kaming dalawa ni Bea dito.


My face heated up dahil sa inis. Naiinis ako! Kaya ko naman, eh! Hindi ako mahina! Kahit ilang hampas pa nila ng bola ang makarating sa akin, I won't be bothered. Naglalaro kami.


Malakas na pagpito ang narinig namin kaya nagsitayuan na kami. Pabalik pa lang kami sa loob ng court nang napahinto kami dahil sa pagmamadaling paghakbang ni Bea papalapit sa kabilang team.


Nakakailang hakbang pa lang ako para sana sundan si Bea pero isang kamay ang pumigil sa braso ko, kamay ni Deanna. Matalim kong tinitigan ito pero tinitigan lang niya ako. Even ate Ly's eyes were telling me na huwag na akong sumunod.


"I know what I did wrong. Throw those fucking balls at me and I'll gladly take them."


Base sa tono ng boses ni Bea ay halatang nagpipigil na ito ng galit. Alam ko kung kailan naiinis si Bea... She could control herself pa. Pero ito? Pati ako nanlamig sa banta nito sa kabila.


"You mess with Cait, you're messing with me. And that's not a good idea. You don't want to test me on this."


Pare-parehong nanahimik ang grupo ng kinausap ni Bea hanggang sa talikuran na niya ang mga ito. Seryoso ang kanyang mukha nang bumalik sa amin, Deanna finally let go of my arm. I felt a little pain sa bandang hinawakan niya pero hindi ko naman ininda.


"Bei.. You didn't have to do that." nag-aalalang bulong ko habang sabay kaming naglalakad papunta sa loob ng court.



"I had to. Someone had to warn them." malamig lang na sagot nito.



Lumabas din naman agad ako sa court at pumasok na si Vannie. Hindi na ako nakabalik dahil maganda naman ang nilalaro nila. Ate Ly assured me na she trusts me, and that I'll play on our next game. Ayaw niya lang na mag-burst out ng wala sa oras si Bea.


"Pasensya ka na, Cait. I had to pull you out. I don't want to see a Beast out of the cage today."



Napapikit na lang ako nang ideklara nang panalo ang Archers. Pagkatapos magkamayan ng magkabilang team ay agad na nagpaalam ako kay Bea na magbibihis lang ako sandali. Ayoko namang mag amoy pawis sa loob ng sasakyan niya.


Home For A Cloudless SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon